Barbie Forteza says success has not changed Alden Richards

Barbie Forteza doesn’t mind having a relationship with a fan: “Basta ba mabait, magalang sa magulang, ganun. Bihira na yung ganun, e.”


Bukod sa afternoon soap na The Half Sisters, napapanood din si Barbie Forteza sa bagong comedy-variety show ng GMA Network na Sunday Pinasaya.

Ano ang masasabi ni Barbie na ginagaya umano ng ASAP ang format ng Sunday Pinasaya?

Tugon niya, “Well, siyempre, imitation is the greatest form of flattery.

“So, kaming lahat, parang flattered dahil unang try pa lang namin, pilot pa lang namin, talagang kinagat na ng viewers. Nakakatuwa lang.

“Pero siyempre, natsa-challenge pa rin kami kahit papaano kasi siyempre naghanda rin naman ang ASAP, bilang lumipad sila sa London, di ba?

"Pero sobrang thankful kami dahil kami pa rin yung pinanood ng tao.

“Biruin mo naman, Superstar [Nora Aunor] at saka Christopher de Leon, di ba?"

Nag-guest sina Nora at Christopher sa Sunday PinaSaya last Sunday, September 13.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Barbie sa taping ng The Half Sisters, sa Tivoli Royale clubhouse, noong Martes, September 15.

HAPPY FOR ALDEN. Kagaya ni Barbie, mainstay rin ng Sunday PinaSaya si Alden Richards.

Ano ang masasabi ni Barbie sa tagumpay na tinatamasa ngayon ng kapwa niya Kapuso at taga-Laguna?

Aniya, “Bukod naman po sa kababayan ko yun, e, nakatrabaho ko na siya, sa Tween Academy.

“Nag-guest po siya sa Tween Hearts.

"Nagkasama kami sa The Road, nagkatrabaho kami sa Wagas, sa Sunday All Stars, at ngayon sa Sunday PinaSaya.

“Nakakatuwa, kasi kahit sobrang-sobrang-sobrang sikat na sikat na siya, kung papaano kami mag-bond noon, hindi nabago yun, e.

“Minsan nga, naiilang na akong lumapit sa kanya, pero siya yung lumalapit. Siya yung, ‘Uy kumusta na?’

“Siya yung ganun, kaya nakakatuwa.

“At talagang deserve ni Alden lahat ng atensiyon na nakukuha niya ngayon.

“Nakaka-proud talaga.”

Aminado rin si Barbie na isa siya sa mga kinikilig sa AlDub loveteam.

“Kasi nga ang ganda ng idea ng Eat Bulaga! na never nilang sinasabi kung ano ang mangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya lahat ng reaksiyon, totoo.

"Na, true enough, kita naman natin, di ba? Na kinikilig silang dalawa [Alden and Maine].”

FROM FAN TO SUITOR? Kailan naman kaya magkaka-boyfriend si Barbie?

“Dyusko, teka muna! Makapag-guest din kaya sa Eat Bulaga. Baka sakaling makatagpo ako ng male version ni Yaya Dub!” at tumawa ang Kapuso Tween Queen.

Hindi raw mamasamain ni Barbie kung sakiling magkaroon ng relasyon ang isang artista at dati niyang fan.

“Oo, puwede naman,” sabi niya.

Kaya pabor siya kung maging magkarelasyon sa totoong buhay sina Alden at Maine Mendoza, na dating tagahanga ng aktor bago nabuo ang phenomenal AlDub (Alden-Yaya Dub) loveteam nila.

“Nakakakilig sila, e! Bakit naman hindi?” sabi pa ni Barbie.

Wala rin daw problema kay Barbie kung may magkagusto sa kanyang isang fan.

“Basta ba mabait, magalang sa magulang, ganun. Bihira na yung ganun, e.”

Pagtutuunan ba niya ng atensiyon ang manliligaw na fan kung ito'y guwapo at edukado?

“Oo,” mabilis na sagot ni Barbie.

Pero wala raw nanliligaw sa kanya ngayon.

Hindi raw nanliligaw sa kanya si Andre Paras, ang co-star niya sa The Half Sisters.

“Okay naman kami ni Andre, e. Hindi lang siguro kami nape-pressure na kailangang maging kami,” sabi ni Barbie.

Nasa The Half Sisters na rin si Ruru Madrid (as Joaquin) bilang ka-love triangle nina Barbie (as Diana) at Andre (as Bradley).

Alam ng lahat na ang ka-loveteam ni Ruru si Gabbi Garcia. Pero hindi natatakot si Barbie na baka awayin siya ng GabRu (Gabbi and Ruru) fans.

“Magkaibigan naman po kami ni Gabbi.

"And yung mga fans naman, alam naman din nilang trabaho lang din naman ito, kami ni Ruru.

“In fairness naman sa mga fans ngayon, mature na sila.”



THE HALF SISTERS. Ano ang nagawa ng mahigit na isang taong pag-ere ng The Half Sisters sa buhay ni Barbie?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Bahay! Bahay po,” mabilis na tugon ng aktres.

Nakabili ba si Barbie ng bagong bahay dahil malaki ang kita niya sa The Half Sisters?

“Hindi naman malaki!” at tumawa si Barbie.

Malaki rin ang nagawa ng show sa pagiging aktres ni Barbie.

“Kasi kahit isang show lang siya, parang lahat na ng struggle nadaanan ni Diana, so parang lahat na rin ng atake, nagawa ko na rin.

“Kaya kahit isang show lang, lahat na rin halos nagawa ko.

“Ang dami ko nang nagawa. Ang dami ko nang na-experience, kaya masaya.

“At saka mas natuto akong makisama sa mga kasama ko ngayon kumpara nung una pa lang.

"Kasi siyempre nahihiya pa lahat, medyo asiwa pa, kapa-kapa pa.

“Ngayon, sobrang kahit hindi kami magkakasama sa taping, nagba-Viber kami, nagkikita kami.”

Lumalabas daw sila ng cast at production kapag may bakanteng schedule.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN