Heart Evangelista supports husband Sen. Chiz Escudero's VP bid

Heart Evangelista on gaining more bashers now that her husband Sen. Chiz Escudero will run for vice president: "When I look back, I’m very happy that I’m very honest with a lot of things, even if it got me in trouble, because this is who I am, and what I did in the past made me who I am. So, I cannot change that."


Unti-unti nang niyayakap ni Heart Evangelista ang mundo ng kanyang mister na si Senator Chiz Escudero.

Lalo na ngayong nagdeklara na ng kanyang kandidatura si Chiz bilang vice president at running mate ni Senator Grace Poe sa 2016 elections.

Read: Senator Chiz Escudero announces VP bid in 2016

Isang araw bago magdeklara ng kanyang vice-presidential bid si Chiz, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Heart sa taping ng GMA primetime series na Beautiful Strangers sa Guadalupe Church, kahapon, September 16.

Dito ay nagpahayag ng kanyang damdamin si Heart tungkol sa pagsabak sa mas mataas na posisyon ng mister niya.

“Hindi talaga siya madali. Marami ang nagsasabing ganito, ganyan.

“But it really comes with a lot of responsibility.

“Okey lang naman sa akin.

“If it’s really your purpose, why not?

"I give naman myself the chance to adjust to it.

“As much as possible, ayoko namang makialam, sa kanya naman yun, and very supportive naman siya sa trabaho ko.

“So, ano kami… may sarili kami, which is good.

“Kapag umuuwi kami sa bahay, iba-ibang kuwentuhan,” saad ni Heart.



CAMPAIGN SORTIES. Kung noong tumakbo si Chiz sa pagka-senador at magkasintahan pa lamang sila, parang iniwas siya ng senador na sumama sa campaign sorties.

Ngayong misis na siya ni Chiz, magiging visible na ba ang Kapuso star sa mga kampanya?

Sagot ni Heart, “Siyempre suportahan ko siya, pero siguro kapag hindi siya makakapunta, dun ako pupunta.

“E, kasi, we also don’t want… we want to make it different din.”

Kung siya ang masusunod, gugustuhin ba niya talagang tumakbo ang asawa sa ikalawang pinakamataaas na posisyon sa bansa?

Sagot ni Heart, “Ako, okey lang.

“Kasi, dati namang nag-artista na ako, parang I was looking forward to a quiet life.

“Akala ko naman, you know… but I ended up with him and the combination of the two worlds, medyo not so quiet!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy niya, “Pero siyempre, ayoko rin namang maging selfish, di ba?

“Kung meron siyang mga kailangang gawin, susuportahan ko siya.

“At ako rin naman, may mga kailangang gawin if ever.”



TWO WORLDS. Bilang misis ni Senator Chiz, tinanong naman daw siya nito sa naging desisyon na tumakbo bilang vice president.

“Tinanong niya ako, of course, tinanong niya ako.

“Siyempre susuportahan kita kung ano ang gusto mo.

“I mean, after everything, we still have each other.

“We’ll be able to do our own things kung anuman ang mangyari.

“We’re both young, so do what you need to do, okey lang sa akin.”

Maraming pagkakapareho ang mundo ng pulitika at showbiz, pero mas magulo, mas maraming away, at mas may parinigan sa pulitika.

Hindi ba nasa-shock si Heart dito?

“Hindi, kasi ganun naman din sa showbiz.

“Pero wala lang nagpapatayan sa showbiz.

“Yun lang talaga ang difference… medyo may big difference!” tawa pa niya.

“Pero okey naman din.

“Kasi before, noong sumasama-sama ako kay Tita Miriam [Defensor-Santiago], medyo na-expose rin ako sa, more or less, political world, may idea ako.


“And siyempre now, I married Chiz.”



BASHERS PA MORE. Kung sa pagiging artista ay marami nang natatanggap na kung anu-anong batikos si Heart mula sa bashers, tiyak na mas marami pang isyu na ibabato sa kanya ngayong kandidato ang mister niya sa 2016.

Nakahanda na ba siya sa mas marami pang isyu na puwedeng ibato o pamba-bash ng mga tao sa kanya?

“Definitely,” mabilis niyang sagot.

“That’s why when I look back, I’m very happy that I’m very honest with a lot of things, even if it got me in trouble, because this is who I am, and what I did in the past made me who I am.

“So, I cannot change that.”

Dahil sa pagiging bukas na aklat ng buhay niya, wala rin siyang kinatatakutan kung anuman ang puwede pang ibato sa kanyang intriga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Heart, “Ganun talaga.

“Buti na lang, nagkaroon ako ng training sa showbiz.

“I also live a very controversial life, so it’s not so new to me.

“What’s important to me is I have my parents now to back me up.

“So, I don’t think anything can get any worse from that.”



NOTHING CHANGES. Kung sakaling si Chiz ang palaring maging vice president sa 2016, ano kaya ang mga pagbabagong puwedeng mangyari kay Heart?

“Nothing changes naman,” sambit niya.

“Well, definitely, finally, I can make a difference with the platform presented, but I will still continue to do what I do.

“I don’t think that it should really change you.

“Maybe I will be more busy, but MWF lang naman ang soap, then I still have days para gawin ang ibang bagay.

“It’s really balancing things, but right now, I don’t really think so much of that.

“It’s just so big for me to digest or to understand like that.

“It’s huge, so a day at a time.

“As of now, panahon niya ‘to, so susuportahan ko siya.”

Suportado rin daw ng mga magulang ni Heart si Senator Chiz, at patunay nga nito ang pagdalo nila sa announcement na ginawa ng senador kaninang umaga.

Ayon kay Heart, “They are supportive with everything.

“Friends na sila ni Chiz, best friend na sila.”

Ano ang pakiramdam niyang maayos na ang lahat sa pagitan ng mister niya at ng kanyang mga magulang?

Saad niya, “Ang sarap panoorin nilang dalawa.

“At saka, alam ko naman na magkakasundo sila.

“Kaya nga yun ang frustration ko dati.

“I fell in love with somebody na alam ko, the same personality as my dad, Filipino, ganun.

“And kapag nakikita mo silang nagkukuwentuhan, ang sarap lang talaga kasi hindi ko talaga akalain na mangyayari yun, tinanggap ko na siya, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ngayon, sobrang saya, wala na akong hihilingin pa. As in, wala na.

“Puwede na akong mag-painting na lang.

“Pero siyempre, kailangan kong magtrabaho at mami-miss ko rin naman ang showbiz.

“And we all have bills to pay, so I’ll continue.

“But if I have the chance to choose, okey na ako, masaya na ako sa bahay.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN