AlDub will have their first date on September 19

Isang date ang regalo ni Lola Nidora kina Alden at Yaya Dub para sa kanilang second monthsary. Magaganap ang first date ng dalawa ngayong Sabado, September 19.


Isang date ang regalo ni Lola Nidora (Wally Bayola) para kina Alden Richards at Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Sabado, September 19.

Katulad ng ipinangako ni Lola Nidora sa second monthsary nina Alden at Yaya Dub, sinabi na niya kung ano ang kanyang regalo para sa dalawa sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! nitong Huwebes, September 17.

Nagkataon din namang iyong araw na iyon ang ninth weeksary ng AlDub.

Pero bago ito ay naglaro muna ng "Matching Game" sina Alden at Yaya Dub, kung saan kailangan nilang mamili sa dalawang choices na ibibigay sa kanila nina Tinidora (Jose Manalo) at Nidora (Paolo Ballesteros).

Isusulat nina Alden at Yaya Dub ang kanilang sagot sa white bond paper at sabay nila itong ipapakita.

Narito ang kanilang pinagpilian at ang mga sagot nila:

1. Umuulan o Mainit na panahon?

Alden at Yaya Dub: Umuulan

2. Jeep o LRT?

Alden: Jeep

Yaya Dub: LRT

3. Beach o Park?

Alden at Yaya Dub: Beach

4. Beatles o One Direction?

Alden: Beatles

Yaya Dub: One Direction

5. Adobo o Sinigang?

Alden at Yaya Dub: Sinigang

6. Pancit o Spaghetti?

Alden at Yaya Dub: Pancit

7. Chrurch wedding o Beach wedding?

Alden at Yaya Dub: Church wedding

Samakatuwid, lima ang nagtugma nilang sagot out of seven.

THE FIRST DATE. Ilang sandali pa ay sinabi na ni Lola Nidora kung ano ang regalo niya para kina Alden at Yaya Dub.

May ibinigay siyang apat na maliliit na kahon na naglalaman ng cupcakes at may nakasulat na mga letrang "A, T, D, at E."

Pagkatapos pagpalit-palitin ng ilang beses ang apat na letra, nabuo nila sa wakas ang salitang "DATE."

At ito nga ang regalo ni Lola Nidora—pinapayagan na niyang mag-date sina Alden at Yaya Dub na silang dalawa lamang.

At magaganap ang first date nila ngayong Sabado, September 19.

Nagtatalon naman sa tuwa at halos mahimatay sina Alden at Yaya Dub, maging ang mga tao sa studio ng Broadway, dahil magkikita na sila sa ikatlong pagkakataon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

ALDUB TWEETS. Pagkatapos ng show ay nag-tweet si Alden at ipinahayag ang kanyang damdamin para sa date nila ni Maine sa Sabado:

Excited na ako!!! Prepare pa more!!! 🙌🏻

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 17, 2015

Si Maine naman ay nagpaalam na raw sa kanyang tatay na si "Dodong":

Nagpaalam na si Yaya Dub kay Dodong! pic.twitter.com/mJed0ls9EH

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 17, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN