Baron Geisler on Enrique Gil's drunken incident: "I feel for the guy. I totally understand, and sana people won't be quick to judge him."

Baron Geisler comments on Enrique Gil's recent controversy: "I feel for that guy, I think na-misunderstood lang siya ng mga tao."


"I feel for the guy."

Ito ang sabi ni Baron Geisler nang kunan ng reaksiyon ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) tungkol sa insidenteng kinasangkutan ng young actor na si Enrique Gil, na nalasing habang sakay ng eroplano patungong London para sa show ng ASAP.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Dagdag pa ng aktor, "I think na-misunderstood lang siya ng mga tao.

"I think may nangyaring kakaiba pa dun.

"But I don't wanna really comment on it."

Matatandaang ilang beses nang nasangkot si Baron sa kontrobersiya dahil sa pagkalasing diumano nito.

Dagdag pa niya, “But I feel for the guy, I totally understand.

"I'm rooting for him and sana people won't be quick to judge him because hindi talaga nila alam ang tunay na nangyari.

“But I know he's a smart kid, so he's gonna move on pretty quickly.”

Nakausap ng PEP si Baron sa farewell press conference ng Kapamilya primetime series na Nathaniel nitong Huwebes, September 17.

NOT SURPRISED. Sa kabilang banda, hindi naman na ikinagulat ni Baron ang panghuhusga kaagad sa kanya ng mga tao matapos siyang masangkot sa isang vehicular accident nitong Martes, September 15.

Sabi ng ilang netizens ay posibleng nakainom na naman si Baron kaya nangyari ang insidente.

Pero ayon sa police report, hindi lasing ang aktor nang maganap ang aksidente.

Nag-post pa nga sa kanyang Facebook account si Baron at nagbigay ng mensahe sa mga humuhusga sa kanya: “Don't be too quick to judge.”

Pahayag ni Baron nang tanungin tungkol dito, “I cannot blame all these people because I have been pasaway [in the past].

"I've been into a lot of trouble, so you can't blame people, especially my reputation precedes me.

“So, may stigma na 'yan.

"They will always speculate, 'Baron is drunk again or he's drinking, he's intoxicated.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"But, as long as I know that nasa tama ako at sinabi naman sa police report at sinabi rin ng pulis that, 'Baron was sober during the accident,' I'm happy na binigyan ako ng justice ng Pasig Police na talagang ginawa nila ang trabaho nila.

"At na-vindicate naman ako."

Dagdag pa niya, “The bashers will be there, they will always be there.

“There will always be haters.

"But I love them pa rin because at least they're keeping me on my toes."

Ayon kay Baron, ang focus niya ngayon ay ayusin ang sarili at ipagpatuloy ang pagtatrabaho.

“Gaya ng sinabi ko nga, I'm done with all the beast mode.

"It's all about the peace mode now, especially, you know, learning from all of these good actors and directors and the story also that I read, the script.

“My mission is to become a better man, a better person.

"I should take care or focus more on myself more than my job.

"I love my job so much."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN