Sheryl Cruz on cousin Senator Grace Poe’s presidential bid: “She’s not yet ready for the task, for the big responsibility.”

Hindi pabor si Sheryl Cruz sa deklarasyon ng pinsang si Senator Grace Poe na tumakbo sa pagka-presidente sa 2016 elections dahil kulang pa raw ang karanasan nito bilang public servant. Sabi pa ng aktres, “My cousin’s a neophyte. Yes, it’s nice to have fresh faces in our political arena, but it’s best to hone what you have.”


Tutol ang aktres na si Sheryl Cruz sa pagtakbo ng pinsan niyang si Senator Grace Poe sa pinakamataas na posisyon sa bansa sa 2016 elections.

Ito ay dahil hilaw pa raw ang senadora upang pamunuan ang Pilipinas.

Si Sheryl ay anak ni Rosemarie Sonora, na nakababatang kapatid ng ina ni Senator Grace na si Susan Roces.

Sa magkasunod na ulat ng Manila Standard Today, nitong Huwebes, September 17, at ngayong Biyernes, September 18, sinabi ni Sheryl na kilalang-kilala niya ang pinsang mambabatas dahil magkasabay silang lumaki.

Ayon sa aktres, “She’s not yet ready for the task, for the big responsibility.

“Everybody in your family is special to you [but] you don’t want to see somebody having a hard time most especially running the country.

“I know her because we grew up together.

"There are actually things that you have to actually wait for."

Kahit ikinampanya niya ang pinsan noong 2013 elections, at kahit daw alam niya ang kakayahan nito bilang public servant, kailangan pa rin nito ng sapat na panahon upang patunayan ang kanyang kapasidad bilang lingkod-bayan.

Sabi ni Sheryl, “My cousin’s a neophyte.

"Yes, it’s nice to have fresh faces in our political arena, but it’s best to hone what you have."

Naniniwala naman daw ang aktres na darating ang panahong magiging hinog na ang pinsan para sa pinakamataas na posisyon sa bansa.

“Given time, I know she’ll be very good in what she’s doing, but just not right now. Probably in 2022,” sabi ni Sheryl.

Matatandaang nitong nakaraang Miyerkules, September 16, naghayag na ng intensiyon si Senator Grace na tumakbo bilang pangulo sa 2016 national elections.

Read: Senator Grace Poe announces 2016 presidential bid

Kahapon naman, September 17, naghayag na rin si Senator Chiz Escudero ng kanyang kandidatura sa pagka-bise presidente, ka-tandem si Senator Poe.

Read: Senator Chiz Escudero announces VP bid in 2016

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“CHOOSE YOUR FRIENDS.” Dagdag pa sa ulat ng Manila Standard, pinaaalahanan ni Sheryl si Senator Poe na maging mapanuri sa mga taong nakapalibot sa kanya, lalo na sa mga personalidad na nakasama ng yumao nitong ama na si Fernando Poe Jr. noong 2004 elections.

Sabi ni Sheryl, “Whatever they did to my uncle, I do hope that they won’t do that to my cousin.

“For me, you choose your friends.

"It’s still early on the trail of the whole campaign... we all know that people have their own motives.

"Mine is that they should not prioritize their interests but of the people.”

Pinili raw ni Sheryl na magsalita dahil sa mga intrigang ibinabato sa kanilang pamilya, lalo na ang isyung magkapatid sila ni Senator Grace sa inang si Rosemarie.

“Me and my brother, who lives here in the Philippines, are very much affected [by the rumors].

"Manang Grace and I are not sisters. My Mama is not her mother.

"Please spare my mom from all these lies."

Read: Sheryl Cruz denies claims that she and Senator Grace Poe have the same mother

Nagpadala na ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng mensahe sa Senator Grace para sa kanyang pahayag tungkol sa tinuran ni Sheryl, ngunit hindi pa siya sumasagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN