Senator Chiz Escudero grateful for presence of Heart Evangelista's mom at his VP bid announcement

Senator Chiz speaks about happy married life: “Kuntento at masaya ako sa kasalukuyang buhay ko. Bagong kasal pa ako. Simple, marangal, mapayapa, at masayang buhay lang ang gusto ko para sa akin at para sa mga mahal ko sa buhay.”


Pinakilig ni Senator Francis “Chiz” Escudero ang kanyang supporters sa ginanap na deklarasyon ng kanyang pagkandidato bilang bise presidente sa 2016, sa Club Filipino, kahapon, September 17.

Ito ay matapos banggitin ni Senator Chiz, 45, ang pagiging kuntento niya sa buhay, lalo na ngayong kasal na sila ng misis niyang si Heart Evangelista, 30.

Sabi ni Senator Chiz sa isang bahagi ng kanyang talumpati: “Kuntento at masaya ako sa kasalukuyang buhay ko. Bagong kasal pa ako.

“Simple, marangal, mapayapa, at masayang buhay lang ang gusto ko para sa akin at para sa mga mahal ko sa buhay.”

Tila patunay nito ay ang pagiging sweet ng mag-asawa, na ilang beses namataang magka-holding hands sa naturang okasyon.

LOOK: Chiz Escudero, Heart Evangelista HHWW at proclamation of his VP bid

Kaugnay nito, tinanong ng entertainment press si Senator Chiz kung kailan nila balak magsimulang bumuo ng sariling pamilya.

Sagot ng 45-year-old senator, “Next year. After [election].”

Natatawang hirit ni Heart kay Senator Chiz, “Next year? O sige!

"Dapat kasi mga almost two years, pero sige, kung gusto mo, try natin. No harm.”

Tila wala nang mahihiling pa si Senator Chiz, lalo na't tuluyan nang naayos ang gusot sa pagitan niya at ng biyenan na si Cecile Ongpauco.

Patunay nito ay ang pagdalo ni Mrs. Ongpauco sa pagtitipon ng grupo ng tambalang Grace-Chiz kahapon.

"Masaya, buo, at ganap," nakangiting saad ni Senator Chiz nang tanungin tungkol sa pagsuporta sa kanya ng mga magulang ni Heart.

Read: Heart Evangelista happy to hear her mom say, "I'm proud of your husband."



SENATOR CHIZ ON BASHERS. Samantala, pinatunayan ni Senator Chiz ang husay niya sa public speaking nang pormal niyang ideklara ang kanyang pakikipagtambalan kay Senator Grace Poe para sa 2016 elections.

Nauna nang inihayag ng senadora na kakandidato siya bilang presidente sa isang hiwalay na pagtitipon sa UP-Diliman Bahay Ng Alumni noong September 16.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa kasalukuyan, sila ang unang tambalang naghayag ng kanilang plano para sa 2016 elections.

Ito ay sa kadahilanang wala pang pormal na anunsiyo ang dalawa pang presidential candidates na sina Mar Roxas at Jejomar Binay kung sino ang napili nilang vice presidential bet.

Sa kabilang banda, hindi maiwasang makatanggap ng pambabatikos sina Senator Chiz at Senator Grace mula sa ibang netizens na hindi pabor sa kanilang tambalan.

Pahayag ni Chiz patungkol sa kanyang bashers, “Yun ang malungkot palagi na mukha sa pamumulitika sa bansa.

“Pero umaasa kami na lalabas parati ang katotohanan.

"Dahil yung walang itinatago, wala namang dapat katakutan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN