Eula Valdes believes this country needs "kamay na bakal"

No more FHM cover for Eula Valdes, "Parang tama na, bakit pa? Kung nagawa ko na at satisfied na ako, okay na, tapos na iyon.”


Dahil presidente ang papel ni Eula Valdes sa bagong morning teleserye ng GMA Network na Princess in the Palace, natanong ang aktres kung sa tingin ba niya ay babae ang nararapat na sumunod na pangulo ng Pilipinas.

"Lalaki" ang sagot ni Eula.

Natatawang sabi pa niya, “Kung gusto mong malaman ang personal ano ko, lalaki ang gusto ko, e.

"Pero hindi pa sure kung tatakbo, e.

“Pero siguro kung kaming dalawa ang mag-teamup, puwede," pagbibiro pa ni Eula.

Napag-alaman namin na si Davao City Mayor Rodrigo "Rody" Duterte ang tinutukoy ng aktres.

“Kasi unang-una, si Miriam [Defensor-Santiago] ang gusto ko, Miriam at Duterte ang gusto ko.

“Since may sakit si Miriam, ako na lang, ako na lang at si Duterte!” at muling tumawa si Eula.

Paliwanag niya, “Gusto ko si Duterte kasi naniniwala ako sa kanya, e, alam mo kung bakit?

“Kasi, oo, Pinoy din ako, minsan may fault din ako na katulad ng sakit ng Pinoy na makulit, na matigas ang ulo, pasaway, di ba?

“Pero ang kailangan natin, kamay na bakal, naniniwala ako dun.”

"Wala" naman ang naging sagot niya sa tanong kung may peg ba siya na ideal na babaeng presidente ng bansa.

“Wala, wala namang peg. Kasi siguro, wala talagang matinong presidente!” at tumawa ang aktres.

Patuloy ni Eula, “Hindi, yung ideal kasi, itong administrasyon ng Princess in the Palace.

“E, hinihikayat namin na sana mahawa o matauhan yung mga nasa administrasyon na bumait-bait.

“Masarap mamuhay nang may magandang bansa na kampante kang maglalakad.

“Yung mga ibinabayad mo [sa tax] ay nakikita mo kung saan napupunta, yung mga ganun ba.

“Lintik na tax 'yan, susuweldo ka, tapos yung accountant mo ite-text ka, ‘Ito ang babayaran mo for the month of ano.’ Pucha naman!”

“Yung matinong presidente, yung matinong pamamalakad, iyon ang peg namin.”

Naganap ang interview kay Eula sa presscon ng Princess in the Palace nitong Martes, September 15, sa Le Reve, sa Quezon City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PRESIDENTIAL BET. Nalalapit na ang eleksiyon, ano sa tingin ni Eula ang qualities na dapat taglayin ng isang mahusay na pangulo ng bansa?

Sagot niya, “Siguro kailangan yung alam mo kung ano ang kailangan ng mga mamamayan mo, saan sila nahihirapan.

“Kung ano ang mga nagiging problema nung mga nasa paligid mo, gawan mo ng paraan.

“Umpisa pa lang, solusyunan mo na para huwag lumala, alamin mo kung ano yung mga needs nila.

“Kung magagawan ng paraan, iyon ang gusto ko para maging effective kang presidente at mahalin ka ng mga tao.”


Sa tingin ba ni Eula ay may kapasidad ang isang babaeng magpatakbo ng bansa?

“Oo! Wala talaga sa gender 'yan, e, nasa kalooban ng tao, mapa-lalaki, mapa-babae.

“Kung ano yung nasa kalooban mo, lalabas at lalabas. Wala talaga, e.

“Kung mabuti ang intensiyon mo, kahit pa matanda kang lalaki o batang lalaki o babae, iyon yung importante, e.”



NO MORE. Dahil kapita-pitagan ang papel ni Eula sa Princess in the Palace, bawal na ba sa image niya ang magpaseksi o mag-pose sa isang men’s magazine tulad ng FHM?

“At my age?” ang tumatawang balik-tanong ni Eula.

“Itong edad ko na ito at nakadalawa na rin ako ng FHM.

“Ginawa ko yun para sa sarili ko lang para pag matanda na ako... once upon a time, alam mo yun.

“Pero ngayon, e, parang tama na, bakit pa?

"Kung nagawa ko na at satisfied na ako, okay na, tapos na iyon.”

Samatala, tampok bilang bidang si Princess Cruz sa Princess in the Palace si Ryzza Mae Dizon.

Nasa show rin sina Aiza Seguerra, Dante Rivero, Ciara Sotto, Meil Perez, Ces Quesada, Marc Abaya, Lianne Valentin, Miggy Jimenez, Rocky Salumbides, Vince de Jesus, at si Ms. Boots Anson-Roa.

Eere na ito sa Lunes, September 21, bago ang Eat Bulaga! sa direksyon ni Mike Tuviera.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN