Eula Valdes clueless about AlDub: “Talagang hindi ko talaga alam, sobrang eng-eng ko diyan!”

Eula Valdes has known Alden Richards not as the other half of AlDub but an actor with great potential in their docu-teleserye, Ilustrado: "Naramdaman ko iyon kasi, unang-una, maganda yung attitude, maganda ang kutis, tapos mabait."


Gumanap na anak ni Eula Valdes si Alden Richards sa Ilustrado, isang serye sa GMA Network na umere mula October hanggang November 2014.

Ginampanan nila ang mga karakter nina Teodora Alonzo at Jose Rizal.

Kaya natanong si Eula kung ano ang masasabi niya sa phenomenal success ni Alden dahil sa AlDub nila ni Yaya Dub o Maine Mendoza sa Eat Bulaga.

Masaya raw siya para kay Alden, pero napag-alaman naming clueless si Eula tungkol sa AlDub.

Kailan lamang daw siya naging aware tungkol dito.

“Hindi ko nga alam kung ano yung pinag-uusapan nila, para akong tanga!

“Seryoso ako,” pahayag pa ni Eula tungkol sa kawalan niya ng malay sa AlDub phenomenon.

“Lately lang, sabi ko, ‘Ano bang pinag-uusapan ninyo?’

“May mga sinasabi sila na Rogelio, Rogelio... e, hindi ako nakaka-relate pag nag-uusap habang kumakain.”

Ni hindi raw niya nasisilip ang AlDub dahil hindi siya nakakapanood ng TV.

“Nakikita ko na lang sa newsfeed sa Facebook, ako naman, 'O, si Alden!'

“At least, di ba, parang, ‘It’s your time to shine!’"

RETURN OF ILUSTRADO. Noon daw magkasama pa sila sa Ilustrado ay kinakitaan na ni Eula si Alden ng potensiyal na maging malaking artista.

“Naramdaman ko iyon kasi, unang-una, maganda yung attitude, maganda ang kutis, tapos mabait.

“Marunong umarte, siyempre iyon ang gauge mo, di ba, kung tatagal ba ito.

"Sana mabigyan pa ng project, ganyan-ganyan.

“E, akalain mo na hanggang ngayon, hindi ko pa nga napapanood kung ano yung pinag-uusapan nila.

“Talagang hindi ko talaga alam, sobrang eng-eng ko diyan!”

Incidentally, simula sa Lunes, September 21, muling ipalalabas ang epic docu-drama na Ilustrado tungkol sa buhay ni Jose Rizal bilang isang teenager, sa kanyang unang pag-ibig, at iba pang kabanata sa buhay ng ating Pambansang Bayani.

Mapapanood ito sa GMA News TV Channel 11 (Channel 24 Sky Cable), 3 P.M., Lunes hanggang Biyernes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa Lunes din ang pilot episode sa GMA ng The Ryzza Mae Show Presents Princess In The Palace, kung saan tampok din si Eula bilang si Presidente Leona at si Ryzza Mae Dizon bilang si Princess Cruz.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN