Vice Ganda on taking the burden of It's Showtime's ratings: "Ang weird! Yes, it's my show, pero it's not just my show."

Vice Ganda on competition between It's Showtime and Eat Bulaga: "It's competition, pero it's nothing personal, di ba? You have to keep up with what the competition dictates in the audience. Siyempre, alangan naman na iniwan ka nang milya-milya, kahit sino naman, kahit atleta ka, kung nagtatakbuhan na at nakita mong umaalagwa na siya, gagawa ka ng paraan kung paano ka-catch up, di ba?"


Natutuwa si Vice Ganda na kahit paano ay gumaganda na ang ratings ng kanilang daily noontime show sa ABS-CBN na It's Showtime, matapos sumadsad ito nitong mga nakaraang linggo.

Mula kasi nang maging patok sa mga manonood ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub, a.k.a. Maine Mendoza, na napapanood sa Eat Bulaga!, ay lumayo nang husto ang ratings nito sa It’s Showtime.

Pero base sa pinakabagong datos na inilabas ng Kantar Media/TNS, nakakalapit na raw ang It’s Showtime sa Eat Bulaga.

Bagamat sa datos ng AGB Nielsen ay halos triple pa rin ang lamang ng Kapuso noontime show sa Kapamilya noontime program na kinabibilangan ni Vice.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang reporters si Vice sa isang pribadong lugar sa Quezon City kagabi, September 18, ay nakangiti na siya dahil umangat na ang ratings nila ayon sa Kantar Media/TNS.

Bungad ng It's Showtime main host, "Yes, in fairness.

"Sabi nga ng [ABS-CBN] management, masaya na sila.

“Kasi they were only praying for two points [increase], but God us six points, sabi nila.

“So, nung ibigay yun sa amin, na-boost ang morale naming lahat.”



MISS PASTILLAS. Malaking parte raw ng pag-angat ng rating ng It’s Showtime ang segment nila tungkol kay "Miss Pastillas," na naghahanap ng bagong boyfriend o “Mr. Pastillas.”

Kung matatandaan, nooong Lunes, September 14, sa portion ni "Madam Bertud," isang babae na pinangalan niyang Miss Pastillas ang nagkuwento sa kanyang kasawian sa pag-ibig, at ang hangaring umibig muli.

Isang lalaki naman mula sa audience ang nagpakita ng interes sa kanya, na sinundan ng isang tawag sa telepono mula sa isang taga-Bacolod City na naghahangad ding makilala nang personal si Miss Pastillas.

Ayon kay Vice, hindi raw planado ang mga sumunod na kaganapan pagkatapos lumabas ni Miss Pastillas, na si Angelica Jane Yap sa totoong buhay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Walang plano, kasi kahit si Jess [Co], yung galing Bacolod, nanggaling sa Twitter.

"Kasi nang first time lumalabas [si Miss Pastillas], ang daming nagsasabi sa Twitter na, 'Kalimutan mo na yung boyfriend mo, ako na lang, ako na lang ang mag-aalaga sa iyo.'

"Dun nagsimula nang makabasa kami ng tweet, kasi nagbabasa kami dun nang live.

"Kasi nang tanungin namin siya nang live, kung serious ba siya, at nagpapa [andar] lang, ang sagot niya, 'Oo, serious din ako.'

"Gusto raw niyang makilala, pero sa [September] 26 pa raw siya pupunta ng Maynila.

“Sabi ko, willing naman na siyang makita ito kinabukasan.

“E, willing naman daw, at yun, iniwan ang kanyang trabaho muna, so andun na yung conflict.

"So, parang nangyari, naging on ngayon ang paghahanap kay Mr. Pastillas, kasi dapat seryosohin niya talaga ang babaeng ito, hindi basta trip lang."



CATCHING UP. Kaya dahil nga raw sa paghahanap ng Mr. Pastillas para kay Miss Pastillas, ay nagkaroon na muli ng kumpetisyon sa katapat nitong show sa kabilang istasyon.

Ano ang masasabi ni Vice dito?

Aniya, "It's competition, pero it's nothing personal, di ba?

“You have to keep up with what the competition dictates in the audience.

“Siyempre, alangan naman na iniwan ka nang milya-milya, kahit sino naman, kahit atleta ka, kung nagtatakbuhan na at nakita mong umaalagwa na siya, gagawa ka ng paraan kung paano ka-catch up, di ba?

"It's a business, at hindi ito nangyari na first time.

"Ever since, ganun naman talaga ang kalakaran, di ba?

"Ito ba ang kauna-unahang noontime show? Hindi naman, di ba?"

Ramdam ba ni Vice na nasa kanya ang pressure bilang siya ang masasabing biggest attraction ng It’s Showtime?

Saad ng comedian-TV host, "Alam mo, nagtataka nga ako sa mga tao, kasi kapag may problema, ako ang tatalakan niyo, ako ang iba-bash niyo, ako ang ita-tag niyo, show ko lang ba ito?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ang weird! Yes, it's my show, pero it's not just my show.

"Ang dami namin, kaya parang ba't ako lang ang... di ba?

"Inaano ko ba sila?"



NO EXPECTATIONS. Hindi naman itinanggi ni Vice dahil sa mga pangyayari, ang pakiramdam niya ay nayanig ang It's Showtime at maging silang mga host.

Kasama ni Vice sa show sina Anne Curtis, Vhong Navarro, Karylle, Billy Crawford, Coleen Garcia, Ryan Bang, at Kim Atienza.

Sabi ni Vice, “Dyusko, ever since naman na, nang pumasok kami sa noontime show, yanig na yun.

"Wala naman kaming ini-expect.

"Ang ratings namin nang pumasok kami sa noontime show, single digit lang naman talaga kami.

"It's a struggle, it's a challenge, at nakakatakot na bigla sa iyong ibibigay ng management ang assignment na, 'Pak, noontime show kayo.'

"Ang reaksiyon namin ay, 'Ha? Paano namin aanuhin 'yan?'

"Pero we manage ko keep up, di ba?

"There was a time na tinalo rin naman namin sila sa ratings, pero paano nangyari yun, di ba?”

Dagdag pa ni Vice, "At saka, you can never compare a six-year-old child, to a 36-year-old man, di ba?

"Ano ba ang comparison dun?

"Kung nakikita mo kaming gumagapang ngayon, at nakikita niyong mabilis tumakbo ang isa, e, kasi thirty-six years old na siya.

"Mas mabilis naman talagang kumilos ang matanda, kaysa sa bata, di ba?

"At mas eksperiyansado ang matanda kaysa sa bata, kaya yung bata ay talagang magkakakamali.

"Walang comparison.”

Diin pa niya, "At saka yung ibang tao, pinipersonal ako, e, host lang naman ako.

"This is an assignment given to you by the management, ako ba ang direktor? Ako ba ang scriptwriter?

"Pagdating mo dun, bibigyan ka lang ng spiels, e, 'di ba?

"Of course, puwedeng hingin ang opinyon, pero ang last say ay sa kanila pa rin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN