Celebrities join netizens in tweeting about AlDub first date

Kasama ang ilang celebrities sa pag-tweet tungkol sa unang date nina Alden Richards at Yaya Dub na nag-trending sa Twitter.

Ang larawang ito ay kuha ng mga Dabarakads habang nanonood kanina, September 19.


Hindi nagpahuli ang mga celebrities sa pagtutok sa episode ng kalyeserye ng Eat Bulaga! ngayong araw, September 19.

Ito kasi ang unang date ng AlDub.

Ang phenomenal tandem na ito ay binubuo nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.


Read: Alden Richards and Yaya Dub's first date ends in tragedy?


Kaya naman, umabot na sa mahigit 11 million tweets ang inani ng hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate.


Tinalo nito ang sarili nilang record na 6.37 million tweets para sa hashtag na #ALDUBTheAbduction noong September 12.

STARS' TWEETS. Tila nabitin si BB Gandanghari sa unang date ng AlDub kaya napa-tweet pa siya kay President Noynoy Aquino na sana raw ay ipagbawal na ang mahahabang mesa para sa second date ng AlDub.

Dear @noynoyaquino, please implement that long tables all over the country will be banned for the 2nd date of Aldub. #ALDUBMostAwaitedDate

— Bb Gandanghari (@ImBbGandanghari) September 19, 2015

Ang Miss World 2013 na si Megan Young ay natuwa sa AlDub loveteam dahil nakapag-break na naman ng panibagong record ang AlDub hashtag.

Kakaiba talaga kayo! :) iba talaga ang ALDUB ❤ congrats!!! ❤️️ 10M ❤️ #ALdubMostAwaitedDate

— Megan Young (@meganbata) September 19, 2015

Kahit nasa ibang lugar ang Kapuso actress na si Lani Mercdo, gumawa pa rin daw siya ng paraan para makapanood.

Kahit nasa Naga for Penafrancia nakapag #ADLUBMostAwaitedDate pa ako

— Lani Mercado Revilla (@lanimrevilla) September 19, 2015

Si Tim Yap naman ay nahumaling din sa kilig na naibibigay ng AlDub.

I stand corrected. Again, in awe of this multi-media phenomenon. Cuts across all borders using "kilig" powers. Galing! #ALDUBMostAwaitedDate

— Tim Yap (@officialTIMYAP) September 19, 2015

Ang ibang GMA News reporters ay hindi rin nagpahuli sa pagtutok sa unang date nina Alden at Yaya Dub.

Ayon kay Tina Panganiban Perez, gagayahin daw niya ang set-up ng unang date ng AlDub para sa unang date ng kanyang panganay na babae.

Sa first date ng Daughter1 ko, ganyan din kahaba ang table. At may standee rin. AKO! Hahaha! #ALDUBMostAwaitedDate pic.twitter.com/7rsoCDoDUP

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

— Tina PanganibanPerez (@tinapperez) September 19, 2015

Nakahabol pa rin ang tweet ni Mav Gonzales kahit nabiktima siya ng maling hashtag na ikinalat ng ilang netizens.

Waaaah nabiktima ako ng sabotage hashtag!!!! Walang makakapigil sa #ALDUBMostAwaitedDate!

— Mav Gonzales (@mavgonzales) September 19, 2015

At siyempre, pati ang mga Dabarkads hosts ay nakisali rin sa usapan sa Twitter na nagpakita ng kanilang reaksyon.

Totohanan nato ha, wala nakong nakikitang actingan lang. Iba to! Hahahaha! @mainedcm @aldenrichards02 #ALDUBMostAwaitedDate

— Wally Bayola (@ImWallyBayola) September 19, 2015

Buset ang Fat Fingers grrrrrrr dapat #ALDUBMostAwaitedDate bakit may albub at iba mga sabotoge pa more

— ruby rodriguez (@rodriguezruby) September 19, 2015

Di NA kaya ni Ryzza! #ALDUBMostAwaitedDate pic.twitter.com/P6m44SA9qu

— pia guanio-mago (@piaguanio) September 19, 2015

The latest episode ng Kalyeserye ay nakakapaGOD, ngunit Thank You God sa panibagong lakas na dulot nito dahil sa saya.#ALDUBMostAwaitedDate

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 19, 2015

Pagkatapos ng kalyeserye, nagpasalamat naman ang AlDub loveteam sa mga nag-tweet tungkol sa kanilang unang date, at sa panibagong record-breaking hashtag na #ALDUBMostAwaitedDate.

10M tweets!!! #AlDubnation kayo na!!! Maraming maraming salamat talaga sa inyo wooohoooo!!! #ALDUBMostAwaitedDate

— Alden Richards (@aldenrichards02) September 19, 2015

Pero guys.. 10M tweets?! Seriously?!?! Date palang yan ha, pano na sa tamang panahon?!?! Congrats sa ating lahat!!!!! #ALDUBMostAwaitedDate

— Maine Mendoza (@mainedcm) Setyembre 19, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN