Pauleen Luna holds first meeting with wedding coordinator

Pauleen Luna posts a photo of her first meeting with wedding coordinator Rita Neri Events Planners.


Pinaghahandaan na ni Pauleen Luna ang kanyang kasal kay Vic Sotto.

Ipinakita ng aktres sa kanyang Instagram account ngayong Linggo, September 20, ang kanyang pakikipagkita sa kilalang wedding coordinator, ang Rita Neri Events Planners.

Ang caption ni Pauleen sa photo na kasama niya ang napiling wedding coordinator ay, “Met with our wedding coordinator for the first time. Thank you@rnepevents! Looking forward to our next meeting.”

Ang grupo nila Rita Neri ang siya ring naging coordinator sa kasal nina Toni Gonzaga at Direk Paul Soriano.

Met with our wedding coordinator for the first time. Thank you @rnepevents! Looking forward to our next meeting 😊

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onSep 20, 2015 at 12:54am PDT

Kinumpirma ni Vic ang kanyang engagement kay Pauleen sa isang press conference noong September 2.

Pero naging matipid ang actor-host sa pagbibigay ng detalye sa nangyaring proposal niya at kung kelan gaganapin ang kasal.

Read: Vic Sotto confirms engagement to Pauleen Luna: “Yes, we are.”

Gayunpaman, sa isa pang ulat ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), ibinunyag ni Lolit Solis, manager ni Pauleen, na sa December gaganapin ang kasal, at umano'y posible itong gawin sa ipinapatayong bahay nila Vic at Pauleen sa Laguna.

Read: Vic Sotto and Pauleen Luna want private wedding ceremony in December, says Lolit Solis

Samantala, ipinost ni Pauleen nitong Sabado, September 19, ang photo ni Vic na abalang tinitingnan ang kanyang cellphone.

Ang makahulugang photo caption ni Pauleen: “My busy visitor. Planning, planning, planning...”

My busy visitor 💕 Planning, planning, planning...

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onSep 18, 2015 at 6:04am PDT

Sinundan pa ito ng isa photo ng regalo mula sa manager ni Pauleen na si Lolit.

Ani Pauleen, “Eary Christmas present from my funny manager.”

Mababasa sa nasabing post ang kalakip na dedication card mula kay Lolit: “Ms. Pauleen Sotto, Bongga! Winner ka. Happy 2016. Luv you 'nak.”

Early Christmas present from my funny manager 😂

A photo posted by Marie Pauleen Luna (@pauleenluna) onSep 18, 2015 at 5:50pm PDT


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN