Pauleen Luna reveals details about Vic Sotto's proposal to her

Ayon kay Pauleen Luna, ang posibleng nagustuhan sa kanya ng boyfriend na si Vic Sotto ay ang sinseridad niya, samantalang ipinaglaban naman daw siya ni Vic upang magtagumpay ang kanilang relasyon.


Nagbigay ng ilang detalye si Pauleen Luna tungkol sa proposal sa kanya ni Vic Sotto sa panayam sa kanya ni Jessica Soho.

Ipinalabas ang interview kay Pauleen sa Kapuso Mo, Jessica Soho kagabi, September 20.

Ayon sa actress-TV host, “It's very simple, nothing grand. Just the way we like it.

“Kasi kami po, very low key kami. We like keeping our relationship simple.

“One day, lumabas lang, nagulat ako, and then isinuot ko [yung singsing], actually!” natatawang kuwento ni Pauleen.

“Sabi niya, 'You like it?'

“Sabi niya, 'Teka, ako dapat magsusuot sa 'yo niyan.'

"Sabi niya, 'Will you marry me?' And then that's it."

Read: Vic Sotto confirms engagement to Pauleen Luna: “Yes, we are.”

Hindi naman masagot ni Pauleen ang tanong kung paano niya nagawang mag-propose sa kanya si Vic, na itinuturing na mailap o elusive na bachelor.

“I really don't know.

"I think it's really God. Prayers talaga. It works.

“I think ang Panginoong Diyos lang po talaga ang nagbigay sa amin...

"Kasi we've reached that point na we know each other very well, we seldom fight.

"Minsan na minsan lang because, I think, yung fact na alam na namin kung ano ang makakapagpagalit sa isa't isa, iniiwasan na lang po namin."

WEDDING PREPARATIONS. Aware daw si Pauleen sa sinasabi ng ilan na hindi umano marrying type si Vic.

“Sa maraming tao, kahit sa akin, surprise siya,” pag-amin ng Eat Bulaga! co-host.

Tahimik din si Pauleen sa pagbibigay ng detalye tungkol sa kanilang pagpapakasal ni Vic, na sinasabing sa December daw magaganap.

Sa ngayon, ang inaasikaso raw nila ay ang paglilista ng mga bisita.

Nakapili na raw sila ng venue pero hindi pa puwedeng sabihin kung kailan magaganap ang kasal.

Malaki man ang age gap nina Pauleen, 26, at Vic, 61, nananatiling matatag ang kanilang relasyon.

“I think nag-meet halfway po kami, definitely.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Yung sa amin po talaga, effortless. We're like best friends and partners.

"Sobrang simple lang po talaga kami."

Paano niya napaamo si Vic?

Sabi ni Pauleen, “Siguro din po kasi kinilala ko siya nang husto.

"I studied papa'no siya magalit, kung paano ko magagawan ng paraan para di kami mag-clash.

“Di po uso sa amin ang magsigawan. We give each other time to say our piece.”

Inamin din ni Pauleen ang ipinapagawa nilang bahay sa Laguna.

“We started December last year, malapit na po siyang matapos.”

Gusto raw ni Pauleen na magkaroon sila ng maraming anak.

“I love children. I think I was born to be a mom.”



BEST QUALITIES. Ano sa palagay ni Pauleen ang mga katangian niya na minahal ni Vic?

“He's always saying he feels my sincerity.

"It's very easy to say I love you, it's very easy to show someone that you care.

"But for that person to feel sincerity, I think ibang level na po kasi 'yon sa relationship."

Ano naman ang mga katangian ni Vic na minahal niya?

Sabi ni Pauleen, “Sa dami po ng pinagdaanan namin, kumapit lang po siya sa relationship.

"Ipinaglaban niya po ako. Nakita po na he really loves me.

"Ang dami pong nangyayari but he still stayed with me in this journey, and that's a very big thing for me."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN