Meteor Garden star Barbie Xu: “What is AlDub?”

Meteor Garden star Barbie Xu gets curious about AlDub, which tops trending topic on Twitter every day.


Gaya ng maraming foreigners, nakuha na rin ng AlDub phenomenon ang atensiyon ng Taiwanese actress na si Barbie Xu.

Bago pa man ipalabas ang Kalyeseryeng pinagbibidahan nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub sa Eat Bulaga! kaninang tanghali, September 21, muling naging top trending topic ang official hashtag nito ngayong araw na #AlDubTheTrials.

Dahil sa madalas na pagti-trend ng official hashtags ng AlDub, nagtaka ang dating Meteor Garden star, kaya sa post niya kanina sa Twitter, tinanong niya: “What is Aldub?”

What is Aldub it's trending everyday?

— 大S (@itsbarbiexu) September 21, 2015

Maraming Pinoy followers ng Taiwanese superstar ang sumagot sa kanyang tanong.

Sinagot naman niya ang isa sa mga ito:

@iheartruthie I thought its a pet. 😁

— 大S (@itsbarbiexu) September 21, 2015

Bukod kay Barbie, nakuha na rin ng AlDub ang atensiyon ng singer ng “God Gave Me You” na si Bryan White.

Ang naturang kanta ay madalas na dina-Dubsmash ni Alden para kay Yaya Dub sa Kalyeserye.

May ilang AlDub fans ang nag-tag sa kanya sa Twitter tungkol dito noong Sabado, September 19, kung kailan naganap ang #AlDubMostAwaitedDate.

Ito naman ang naging sagot niya:

What is #ALDUB? A wedding? https://t.co/w5dRzYH9nt

— bryan_white (@bryan_white) September 18, 2015

At dahil sa mainit na pagtanggap ng AlDub Nation, ang tawag sa fan group nina Alden at Maine, tila magkakaroon pa ng concert ng American singer sa Pilipinas.

Soon! https://t.co/SAfnBRpU0M

— bryan_white (@bryan_white) September 19, 2015

Nagbigay rin siya ng mensahe sa kanyang Filipino fans:

Bryan White's message to his Filipino fans (AlDubFans) part I of IV #ALBUBMostAwaitedDate pic.twitter.com/mbmJDv9TRu

— AlDubForTheBigBoyz™ (@AlDubBigBoyz) September 19, 2015

Read: American singer Bryan White to perform in Manila for AlDub fans?


ERAP ALSO HIT BY ALDUB FEVER. Samantala, sa post naman ni Manila Vice Mayor Isko Moreno ngayong araw, makikita na isa rin si dating Presidente at ngayo'y Manila Mayor Joseph “Erap” Estrada sa mga nakatutok sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! kaninang tanghali.

“Lunch break naman. Makiki ALDUB muna kami ni Mayor Erap,” sabi ni Vice Mayor Isko sa Instagram.

Lunch break naman. Makiki ALDUB muna kami ni Mayor Erap 😜✌🏻️ #kalyeserye #Aldubfan #EB

A photo posted by Isko Moreno (@isko_moreno) onSep 20, 2015 at 10:48pm PDT


DABARKADS THANKS ALDUB NATION. Sa Facebook page naman ng Eat Bulaga! ay nagpasalamat ang Dabarkads sa 12.1 million tweets na nakuha ng #ALDUBMostAwaitedDate noong Sabado.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN