Sarah Lahbati likes ABS-CBN more than GMA; wants to be a Kapamilya

Sarah Lahbati on why she likes ABS-CBN more than GMA: "Nag-enjoy kasi talaga ako kasi pinapahataw nila ako. Kung anu-ano ang pinaggagawa ko na hindi ko akalain na magagawa ko. Kumbaga, na-push talaga ako nang todo dito."


Pagkatapos ng dance performance ni Sarah Lahbati sa ASAP 20 noong August 9, naging sunud-sunod na ang guest appearance ng dating Kapuso talent sa mga programa ng ABS-CBN.

Matapos nito, napanood naman siya sa It’s Showtime para sa “C.O.C. (Clash of Celebrities)” at sa Rated K.

Sa Sabado, September 26, nakatakda naman siyang mapanood sa Ipaglaban Mo.

Read: Sarah Lahbati's performance on ASAP fuels speculations that she's now with ABS-CBN

Sa guesting naman ni Sarah sa Gandang Gabi Vice kagabi, September 20, tinanong siya ng host na si Vice Ganda kung lumilipat na ba siya sa Kapamilya network.

Tugon ni Sarah, “Baka.”

So, malaki ang posibilidad na tatawid nga siya sa kabilang bakuran?

“Sana,” asam ng StarStruck alumna.

Taong 2013, naging masalimuot ang takbo ng karera ni Sarah­­ mula nang mag-tweet siya tungkol sa diumano’y ‘under the table dealings ng GMA Artist Center sa ICON Talent Management.’

Read: Sarah Lahbati accuses GMA Artist Center of "under the table" deals with talent-management group ICONS

Humantong pa ito sa demandahan ng magkabilang kampo.

Kumalat din ang balita noong buntis si Sarah sa anak nila ni Richard Gutierrez, ngunit pareho nila itong itinanggi.

Isang taon ang nakalipas, nagkaayos at nagkapatawaran ang GMA Artist Center at si Sarah.

Napatunayan ding nabuntis nga si Sarah at nagsilang sa anak nila ni Richard.

Pero pinatapos lang ang kontrata ni Sarah sa Kapuso network at hindi na siya ni-renew.



MAS MASARAP SA KAPAMILYA. Kasunod na tanong ni Vice sa 21-year-old actress kung gusto ba niyang maging Kapamilya.

Diretsong sagot ni Sarah: “Oo naman.”

Sundot pa ng TV host: “Gaano ka-gusto? 1 to 10, 10 ang pinakamataas?”

Mabilis na sagot ni Sarah: “Ten.”

Sobra raw na-enjoy ni Sarah ang guestings niya sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN.

Kaya tinanong siya ni Vice: “Sa'n ang pinakamasarap? Dito o sa kabila?”

Mabilis na sagot ni Sarah: “Dito!”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Paliwanag niya, “Hindi... grabe. Nag-enjoy kasi talaga ako kasi pinapahataw nila ako.

"Kung anu-ano ang pinaggagawa ko na hindi ko akalain na magagawa ko.

“Kumbaga, na-push talaga ako nang todo dito.

“Kahit ako nagugulat ako sa mga ginagawa ko, pero nag-i-enjoy po talaga ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN