Governor Vilma Santos considers running as Batangas representative or Lipa City mayor in 2016

Batangas Governor Vilma Santos on plans for 2016 elections: “We really can never tell what will happen next. What’s important is, kung ano yung meron ngayon, kung ano yung focus mo, and you will excel," says Governor Vi in the October 2015 issue of YES! Magazine.


Bagamat wala pang pinal na desisyon si Batangas Governor Vilma Santos, nauna na niyang inihayag na kinukonsidera niyang kumandidato bilang alkalde ng Lipa City o bilang kongresista sa lalawigan ng Batangas sa 2016 elections.

Ito ang pahayag ng gobernadora sa October 2015 cover story ng YES! Magazine:

“Ang Lipa po ngayon lone district na. May sarili na siya na district. And also Batangas City.

“So, just in case, if I want to break the three years, puwede ako mag-congresswoman, and then, after three years, one term, na-break ko na, I can go back as governor—kung okey pa sa akin ang politics.”

Nitong mga nakaraang buwan, naging tampok ng espekulasyon ang napapabalitang paghimok ng ilang presidential candidates kay Governor Vi na tumakbo bilang bise presidente sa 2016 elections.

Ngunit makailang-beses nilinaw ni Governor Vi na wala siyang formal offer na maging katambal kung sino mang presidential candidate na nauugnay sa kanya.

Bukod dito ay naging bukas din ang gobernadora sa pagsasabing hindi siya handang sumabak bilang bise presidente ng bansa.

Raed: Vilma Santos no hand in Mar-Vilma tarps in Batangas

Sabi pa ni Governor Vi sa isang bahagi ng kanyang panayam sa YES!: “I am not mentally, emotionally, and physically prepared. Kaya hindi ko ini-entertain.

“Up to this time, hindi ko ma-imagine pa’no ko iikutin ang buong Pilipinas to campaign.”

Paliwanag pa niya, mas gamay niya ang pagbibigay ng direktang serbisyo-publiko bilang gobernadora.

Aniya, “That’s very important. ‘Yong pulso ng tao, nandodo’n.”

Ngunit dahil ito ang kanyang pangatlong termino bilang Batangas governor, hindi muna siya puwedeng kumandidato sa parehong posisyon sa 2016.

“I want to be governor. Talagang gusto ko.

"Kung puwede lang ma-extend, lalaban ako uli, e.

“Kaya lang, wala, graduate na. Kailangan kong magpahinga ng three years, ng one term.”

Kung anu’t ano pa man, naniniwala si Governor Vi na tanging tadhana lang ang makapagsasabi kung ano ang landas na tatahakin niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ayoko ho kasing magsalita nang tapos. Baka bumalik sa mukha ko.

“Who would think 18 years na ako as public servant?

“Na no’ng araw hindi ko naman sinabi na magpupulitika ako, di ba?

“We really can never tell what will happen next.

“What’s important is, kung ano yung meron ngayon, kung ano yung focus mo, and you will excel.

“‘Yon ang importante.

“Pero to plan things about politics or anything na may plano sa pulitika, wala pa po as of this time.

“Pero sa mga nagtitiwala, maraming-maraming salamat. I truly appreciate it.”

Alamin ang iba pang rebelasyon ni Governor Vi tungkol sa pagsabak niya sa pulitika, ang makulay niyang buhay-pag-ibig, at pati na ang pinakamatinding pagsubok na pinagdaanan niya bilang artista sa YES! October 2015 issue.

Mabibili na ang YES! October 2015 issue, kung saan kasama rin sa cover ang sikat na tambalang AlDub (Alden Richards and Yaya Dub), sa leading bookstores at newsstands.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN