Thea Tolentino says her friendship with Barbie Forteza is for real

Thea Tolentino is grateful for her exposure in The Half Sisters. She says, "Dito po ako mas nakilala, ‘tsaka sa acting skills po, dito ako lalong natuto."


Ayon kay Thea Tolentino, walang halong kaplastikan ang pagiging magkaibigan nila ni Barbie Forteza, kahit na mortal silang magkalaban sa GMA afternoon series na The Half Sisters.

Lumalabas nga raw sila kasama ang ibang cast ng The Half Sisters, kapag may pagkakataon.

“Nanonood kami ng sine, nakailang beses na rin kaming lumabas,” banggit ni Thea.

Sa mahigit isang taon ng pag-ere ng The Half Sisters, ano ang nagawa ng show sa buhay ni Thea?

“Siyempre po dito po ako mas nakilala, tsaka sa acting skills po, dito ako lalong natuto.”

Nakalipat na rin daw ang pamilya ni Thea sa mas magandang bahay sa Laguna.

THEA'S CAR. Maliban dito, nakabili na rin ng kanyang sariling sasakyan si Thea.

Yun nga lang, hindi pa raw niya ito nagagamit nang husto.

Isang pre-owned Montero ang binili ni Thea, na ang downpayment na P300,000 ay galing sa TV host na si Willie Revillame at ang balanse ay galing naman sa sariling bulsa ng The Half Sisters star.

Nakagarahe ang sasakyan sa bahay nila sa Laguna.

Aniya, "Pinakondisyon na nitong week.

“2009 model po siya pero hindi masyadong laspag, tsaka maingat yung may-ari kaya maayos.”

Wala pa raw siyang parking area sa Quezon City kung saan nakatira si Thea, kaya nasa Laguna pa rin ang naturang sasakyan.

Balak na raw niyang mag-avail ng parking area para magamit na ang sasakyan niya sa Quezon City.

Ayon pa sa 19-year-old Kapuso actress, “Pero maghahanap muna ako ng driver.

“Naghahanap pa po ako ng parking sa condo… tsaka wala pa pong driver.”

Balak na raw niyang umalis sa condo niya kaya naghahanap din si Thea ng malilipatang apartment o bahay.

"Kasi yung nanay ko natatakot pag lumindol, nasa building ako, e."

Sa Laguna pa lang daw niya nagagamit ang sasakyan.

Kapag may taping siya ay sumasakay pa rin siya sa service ng GMA.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“O kaya po taxi, kaya tinatamad din akong lumabas, traffic pa.”

Dapat daw ay mag-aaral siyang magmaneho last month dahil kasagsagan ang taping nila ng The Half Sister, pero hindi natuloy.



ALDEN RICHARDS. Isa raw si Thea sa tuwang-tuwa sa mga nangyayari sa career ni Alden Richards, na kagaya niya ay taga-Laguna rin.

“May commercials pa, nakakatuwa!” bulalas niya.

“Nakikita ko din sa nanay ko, e, kinikilig siya, tuwang-tuwa siya.

“Adik na adik ang nanay ko, nagpe-Facebook siya, mas updated pa siya kaysa sa akin.”

Pero si Thea ay bihira raw makapanood ng sikat na Kalyesere ng Eat Bulaga! dahil na rin sa schedule niya.

“Either tulog ako or wala ako sa bahay,” sabi niya.

Never pa rin daw niyang nakatrabaho Alden.

Nag-guest ang aktor sa Teen Gen dati pero hindi sila nagkaeksena ni Thea.

Alam din da niyang dahil sa sobrang kasikatan na AlDub ay hindi muna maaaring ipareha sa ibang aktres si Alden, tulad niya halimbawa?

“Wala nga akong ka-loveteam!” at tumawa si Thea.

Ang ka-loveteam niyang si Jeric Gonzales ay nasa Destiny Rose naman.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN