Toni Gonzaga on FAMAS Best Actress win: "After 15 years, puwede ko nang masabing aktres ako."

Toni Gonzaga on besting other nominees in FAMAS Best Actress race: “Wala naman akong tinalbugan. Naging mapalad ako ngayong taon. Hindi naman ako umaasa. Marami na akong award-giving bodies na na-attend-an na na-nominate ako."


Sorpresa raw para kay Toni Gonzaga ang pagwawagi niya bilang Best Actress sa 63rd FAMAS Awards, na ginanap sa Newport Performing Arts Theater, Resorts World Manila, noong Linggo, September 20.

Nanalo si Toni para sa kanyang pagganap sa pelikulang Starting Over Again.

Tinalo niya ang co-nominees niyang sina Aiko Melendez (Asintado), Gladys Reyes (Magkakabaung), Gretchen Barretto (The Trial), Jean Garcia, (Kamkam), Jennylyn Mercado (English Only Please), Kathryn Bernardo (She's Dating the Gangster), Kris Aquino (Feng Shui), Sam Pinto (Magnum Muslim .357), at Vina Morales (Bonifacio: Ang Unang Pangulo).

Sabi ni Toni sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Wala naman akong tinalbugan.

“Naging mapalad ako ngayong taon. Hindi naman ako umaasa.

"Marami na akong award-giving bodies na na-attend-an na na-nominate ako.

“Ngayon lang talaga [ako nanalo]...siguro na-bless lang talaga na suwerte sa FAMAS.”

Espesyal kay Toni ang pagwawagi niyang ito dahil bukod sa galing ito sa FAMAS, unang award niya ito bilang lead actress.

Itinanghal si Toni na Best Supporting Actress sa 2014 Gawad Pasado Awards para sa pelikulang Four Sisters and A Wedding.


Ang ibang awards ni Toni ay nakuha niya sa telebisyon at sa pagkanta.

Sabi ng Kapamilya actress-TV host, “Naku, maraming salamat!

"After fifteen years, puwede ko nang masabing aktres ako.”



DREAM FULFILLED. Ayon kay Toni, muntik na siya maging emosyunal nang marinig niya ang kanyang pangalan at habang nag-i-speech siya.

“Actually, naiiyak ako. Pinigilan ko lang.

"Kasi nung mga bata pa kami ni Alex [Gonzaga, her younger sister], lagi kaming nagpa-praktis, ‘Thank you FAMAS for this award.’

“Lagi lang kaming gumaganun.

"Tapos ngayon, uuwi ako na talagang totoong FAMAS award ang hawak ko."

Naramdaman ba ni Toni na mananalo siya bago umalis ng bahay?

Tugon niya, “Lahat ng pelikula ko, mommy at daddy ko, laging sinasabi, ‘Naku, pang-best actress ka dito.’

“Pero never nag-sink in sa akin kasi hindi ko naman kinu-consider ang sarili ko na aktres ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Lagi kong iniisip, 'May nagre-recognize kaya sa pagiging aktres pag rom-com?'

"Ngayon [natupad] dahil kay Inang," pagtukoy niya sa direktor ng Starting Over Again na si Olivia Lamasan.

Wala raw magbabago kay Toni ngayong isa na siyang award-winning actress.

“Pareho pa rin yung drive ko, yung passion ko, saka yung kagustuhan ko na makagawa ng mas makabuluhang pelikula.”

Gagawa ba siya ng mas maraming straight drama o susubukan niyang mag-experiment?

“Depende siguro sa tatanggapin ko.”



HUSBAND PAUL SORIANO. Hindi kasama ni Toni sa FAMAS awards night ang mister niyang si Paul Soriano dahil nasa Siargao raw ito para sa pelikulang ipinuprodyus nito.

“Papaalam ko lang sa kanya,” pagtukoy ni Toni sa asawa.

Hihintayin daw ni Toni ang pagbalik ng asawa bago siya magkaroon ng selebrasyon.

“Pag ganitong wala siya, sa bahay namin sa Taytay ako umuuwi.

"So, ngayon isi-share ko [yung trophy] sa mommy at daddy ko."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN