Sarah Lahbati clarifies she acknowledged GMA in her Gandang Gabi Vice interview, but it was not aired

Nagpaliwanag si Sarah Lahbati kaugnay ng pambabatikos na natanggap niya pagkatapos umere ng kanyang panayam sa Gandang Gabi Vice, kung saan hindi man lang daw siya nagpasalamat sa GMA Network. Edited version daw ang umere at sa uncut version nito, nagbigay siya ng pasasalamat sa dating network na kinabibilangan. Pero kapansin-pansing hindi man lang niya nabanggit ang GMA.


Kung may mga pumuri kay Sarah Lahbati dahil daw sa pagpapakatotoo nito sa guesting niya sa Gandang Gabi Vice noong Linggo, September 20, may mga bumatikos din sa 21-year-old actress dahil tila wala raw itong utang na loob sa pinanggalinggang istasyon.

Sa nasabing interview ay inamin ni Sarah na mas masaya siya sa ABS-CBN kumpara sa GMA Network, kung saan siya nagsimula at nakilala.

Sa naipalabas ding episode ng late-night talk show ni Vice Ganda, marami ang nakapansin na hindi man lang daw in-acknowledge ni Sarah ang naka-discover sa kanyang istasyon.

Si Sarah ang Ultimate Female Survivor ng StarStruck V noong 2010.

Read: Sarah Lahbati likes ABS-CBN more than GMA; wants to be a Kapamilya

Ngunit paliwanag ni Sarah sa kanyang Instagram account, na-edit daw ang ginawa niyang pagpapasalamat sa kanyang dating home network.

THE UNEDITED INTERVIEW. Sa uncut version na lumabas online, binigyang-halaga ni Sarah ang nagawa sa kanya ng GMA, kahit hindi niya direktang binanggit ang dating home network.

Sabi ng host na si Vice Ganda, “Pero siyempre thankful naman tayo sa lahat ng mga tumulong sa atin nung nagsimula tayo, kahit yung ibang network, di ba?”

Tugon ni Sarah, “Yun nga, hindi ko pa nasasabi na, hindi rin ako nandito, wala po ako dito kung hindi rin ako natulungan ng network na pinanggalingan ko.

“Of course. Wala ako dito kung wala rin yung tulong na naibigay nila para sa akin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN