Carmina Villarroel gets flak for supporting Sen. Grace Poe; hits back at bashers

Carmina Villarroel reacts to netizens who bash her for declaring her support to Senator Grace Poe.


Binatikos ng ilang netizens ang aktres na si Carmina Villarroel sa pagiging vocal nito sa pagsuporta kay Senator Grace Poe, na nagdeklara ng kanyang kandidatura bilang pangulo sa 2016 national elections.

Ipinahayag ni Senator Grace ang kanyang intensiyong tumakbo bilang presidente noong September 16 sa Bahay ng Alumni sa University of the Philippines.

Dinaluhan ito ng ilang mga artista; kabilang na ang mag-asawang Carmina Villarroel at Zoren Legaspi, Albert Martinez, Boots Anson-Roa, at Yeng Constantino.

Read: Sen. Grace Poe announces 2016 presidential bid

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Carmina ng ilang larawan mula sa nasabing event.

Ayon sa isang caption ni Carmina: “You have my vote Ninang Senator Grace. We love you and support you all the way.”

Ninang nina Carmina at Zoren si Senator Grace sa kanilang kasal noong 2012.

Waiting for our Ninang Senator Grace Poe. #Poe2016 #amazingGrace

A photo posted by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) onSep 16, 2015 at 4:09am PDT

You have my vote Ninang Senator Grace. We love you and support you all the way.

A photo posted by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) onSep 16, 2015 at 4:12am PDT

May mga kumutya kay Carmina dahil sa pagsuporta nito sa senadora.

Bilang tugon, nag-post si Carmina ng mga collage ng mga kasabihan tungkol sa hindi pag-apruba ng ilan sa desisyon ng isang tao.

Narito ang mga kasabihang kabilang sa posts ni Carmina:

“Get your facts first, then you can distort them as you please.”

“You can’t please all the people all the time.”

“You can’t always please everybody, but you can do what makes you happy and just hope that those around you will be happy for you.”

Ginamit din ni Carmina ang mga sumusunod na hashtags bilang reaksiyon sa bashers: #respect, #myownaccount, #kayamayblock, #kayamaydelete, #dikokayopinipilit, #goodvibes #peace, #happythoughts.

Need I say more? #respect #myownaccount #kayamayblock #kayamaydelete #dikokayopinipilit #goodvibes #peace #happythoughts 😇

A photo posted by Carmina Villarroel-Legaspi (@mina_villarroel) onSep 16, 2015 at 8:19am PDT

Pinasalamatan naman ni Carmina ang mga sumang-ayon at nagtanggol sa kanya sa comment section.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN