Ruru Madrid wants respect for fellow Iglesia Ni Cristo members; admits desire to join EDSA rally

Ruru Madrid on being an Iglesia ni Cristo member: "Kumbaga, lahat ng nakalagay sa Bible, sinusunod namin kahit na ano ang mangyari. Kumbaga, kahit na kailangang mag-sacrifice ng sarili namin, ginagawa namin."


Dapat daw ay kasama si Ruru Madrid sa ginanap na rally sa EDSA ng kapwa niya Iglesia Ni Cristo (INC) members noong Agosto.

Ang nasabing rally ay bilang protesta sa diumano'y pakikialam ni Department of Justice Secretary Leila de Lima sa mga isyung kinasasangkutan ng ilang matataas na opisyales ng INC.

“Kumbaga, inisip ko rin yung ano, yung puwedeng mangyari po. Pero nasa kotse rin po ako,” sabi ni Ruru nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa taping ng The Half Sisters noong nakaraang linggo.

So, nandun din pala siya sa EDSA during the rally?

“Opo, nasa kotse lang.”

Pagpapatuloy ni Ruru, “So, dapat respeto lang rin po kasi, kumbaga, kami po nagre-respect din naman po kami, e. Kahit naman po sino, e.

“Ano naman po kasi, parang kumbaga, ngayon lang naman po ginawa 'yan ng INC.

"Hindi naman po nila 'yan ginagawa before kahit na may mga issues na ibinabato sa amin.

“Ngayon lang talaga yung medyo nasaktan na dahil, kumbaga, nagkasunud-sunod, e.

"Siguro po dahil masyado nang nasaktan."

BASHERS. Sabi pa ng 17-year-old Kapuso actor, "Kahit po ako, pagka nakakakita ako ng mga namba-bash, hindi ko mapigilan ang sarili ko.

"Gusto kong sagutin, pero wala, e.

“Nagtu-tweet na ako, parang ‘Guys, please respect naman.’

“Hindi naman po ako nagsasalita ng masama.

“Hindi ko naman po pinapatulan, pero parang yung iba sumusobra, parang minumura, ganun.

“Actually, okay na po yung issue, e.

"Okay na, napag-usapan na, tapos nalaman na hindi naman totoo yung mga kidnap-kidnap."

Ang tinutukoy ni Ruru ay ang hindi napatunayang paratang nina Felix Nathaniel “Angel” Manalo at ng kanyang ina na si Christina “Tenny” Manalo na umano'y may abduction na nangyari sa mga kasapi ng kanilang relihiyon.

Sabi pa ni Ruru, “Hindi po totoo, e. Kasi lumabas po mismo sa mga sinabi ng ano, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, parang sinabi po nila na sumosobra na daw, kasi bakit ayaw pa daw tantanan.

“Kumbaga, dapat yung isyu daw na yun, sa loob lang daw iyon ng ano.”

DEFENDING INC. Automatic ba kay Ruru ang pagpanig sa relihiyon niya kung may isyu?

Sagot niya, “Hindi naman po automatic. Kumbaga, siyempre nasa sa iyo rin yun.

“Pero sa amin po kasi, yung ano po namin, yung faith namin iba, e.

“Kumbaga, lahat ng nakalagay sa Bible, sinusunod namin kahit na ano ang mangyari.

“Kumbaga, kahit na kailangang mag-sacrifice ng sarili namin, ginagawa namin."

Ano ang komento ni Ruru sa mga naging kaganapan sa INC?

Tugon niya, “About po dun, well ano po, e, kumbaga parang ano rin, parang respeto lang rin dapat, e.

“Kumbaga, kahit naman po sino, e, puwede pong gawin yung katulad po ng nangyari sa EDSA.

"Kahit sino parang... kumbaga, nakakasakit din.

“The way po niya ginawa yun, and the way yung mga bashers and then mga nasa social media, the way silang mam-bash, parang sobrang ano, e.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN