Bela Padilla believes boyfriend Neil Arce is the 'right one' for her

Bela Padilla on handling bashers: "Siyempre tao lang tayo. May mga araw na nasasaktan ka. May mga araw naman na kaya mong tiisin kung anuman ang sinasabi nila sa iyo. Pero wala rin namang naitutulong sa iyo at wala ring nababago sa iyo. Kaya hindi rin naman siya masyadong big deal sa buhay ko."


Umaasa ang aktres na si Bela Padilla na ang boyfriend niya ngayong si Neil Arce na ang 'right guy' para sa kanya.

“Oo, I definitely think so.

"Siguro lahat ng babae yun ang wish, na kung sino ang boyfriend mo, yun na ang mapapangasawa mo.

"Hindi ka nagbo-boyfriend na for fun lang."

Patuloy ni Bela, “Ako, I think that’s where it’s going talaga.

"It’s really just a matter of us finishing what we want to finish in life.

“Hindi kasi ako yung type na papalit-palit ng boyfriend dahil hindi magandang tingnan, hindi magandang pakinggan, hindi magandang tularan.”

Ngayong maganda ang career niya, ano ang gagawin ni Bela kung bigla siyang yayaing magpakasal ni Neil?

Sagot ng 24-year-old Kapamilya actress, “Alam naman po niya yun na very happy ako where I am right now.

"Alam niya kung gaano ko bina-value yung work ko at alam niya na gustung-gusto ko ang ginagawa ko.

“So, sa tingin ko, hindi naman siya magyayaya anytime soon.

"And siya rin, nakikita ko, marami pa siyang trabaho.

“Marami pa siyang tinatapos at marami pa siyang gustong gawin sa buhay niya.

"So, I don’t think he is ready rin naman."

Sinabi pa ni Bela na sa ngayon, career ang priority niya.

“Kahit naman si Neil, he is very busy with work.

"Like me, parehas kami ng work ethic, e.

“Parehas kami na kapag focused sa isang bagay, sobrang focused talaga.

"Kaya siguro doon kami nagkakasundo."

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Bela sa media launch ng pelikulang Tomodachi.



HANDLING BASHERS. Paano naman hina-handle ni Bela ang bashers?

Sagot niya, “Depende kasi 'yan sa mood ko.

"May mga araw na talagang dinadamdam ko, may mga araw naman na talagang wala akong pakialam.

“Siyempre tao lang tayo. May mga araw na nasasaktan ka. May mga araw naman na kaya mong tiisin kung anuman ang sinasabi nila sa iyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero wala rin namang naitutulong sa iyo at wala ring nababago sa iyo.

"Kaya hindi rin naman siya masyadong big deal sa buhay ko."

Ano yung pinakamatinding bashing na naranasan niya at nagpaiyak sa kanya?

Tugon ni Bela, “Kasi noon, parang sinabihan ako na ampon daw ako.

"Kaya nagtaka ako kung saan nanggaling yun. Nagulat ako talaga, na ang layo naman.

“Nakakasama talaga ng loob na, ‘Bakit kayo ganyan mag-isip, sobrang malisyoso.’

"Kaya pinabayaan ko na lang. Alam ko naman kasing hindi ako ampon, e."

Sumasagot ba si Bela sa bashers?

“Minsan po, kapag sobrang kulit, kinukulit ko lang din sila. Pero hindi po ako nagmumura, kulitan lang talaga,” nakatawang wika ng aktres.

ALDEN RICHARDS. Bago lumipat sa ABS-CBN si Bela ay naging Kapuso muna siya.

Habang nasa GMA Network, nagkaroon ng pagkakataon si Bela na makatrabaho ang sikat na sikat ngayong si Alden Richards.

Nagkasama sila sa pelikulang 10,000 Hours noong 2013.

Ayon kay Bela, deserving si Alden sa tinatamasang kasikatan nito ngayon.

"Nagkasama kami ni Alden sa movie na 10,000 Hours at minsan, sa mga production number sa Eat Bulaga, guesting-guesting."

In-expect ba ni Bela na ganoon katindi ang pagtanggap ng masa kay Alden at sa tambalan nito kay Maine Mendoza (Yaya Dub) o AlDub?

Tugon niya, “Sa mga taong mababait, posible po yun.

"And si Alden ay mabait, so naniniwala po ako na posible yun.

"Mabait na tao si Alden, so deserve niya yung mga nangyayari sa kanya ngayon."

Patuloy niya, “Si Alden naman sa nakikita ko, hindi naman siya yung type ng tao na nagbabago.

“And sana ganoon lagi, na yung mga taong mababait ang nabibigyan sana ng magandang break.

"Yun sana ang nabibigyan ng grasya ng Diyos."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN