Marian Rivera wants only one baby shower: “Kasi nung bridal shower ko, ang dami. Kaya this time, isa lang.”

Marian Rivera clueless on what will happen in her upcoming baby shower. She says, "Wala akong alam, as in, surprise daw nila. Ang alam ko lang, yung date at yung place kung saan gagawin."


Thirty-two weeks na sa kanyang pagbubuntis ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera.

Kung bibilangin ang normal na 40 weeks na pagbubuntis ng isang babae, posibleng sa ikalawang linggo ng November isilang ni Marian ang panganay nilang anak ng Kapuso Primetime King na si Dingdong Dantes.

Naramdaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang excitement ni Marian na makita si Baby Maria sa kanyang text messages sa amin.

“Eight weeks to go!” bulalas niya.

Pero bago ito, nakatakda ang baby shower para kay Marian at kay Baby Maria sa Diplomatic Hall ng The Marriot Grand Ballroom sa Sabado, September 26.

Ayon sa Kapuso actress-TV host, wala siyang alam kung ano ang mangyayari sa mismong baby shower.

“Wala akong alam, as in surprise daw nila.

"Ang alam ko lang, yung date at yung place kung saan gagawin.

“Ang nagbigay ng baby shower, si Mama ko at si Teena Barretto.

“Wala akong alam sa mangyayari.

"Ang alam ko, sina Teena at Rams ang nag-uusap, pati sa mga invited."

Si Teena ang event coordinator ng kasal nina Marian at Dingdong noong December 30, 2014; si Rams David naman ang tumatayong manager ng aktres.

ONE BABY SHOWER. Kahit marami ang nagnanais bigyan ng baby shower si Marian mula pa noong napabalitang buntis siya, sinabi ng Sunday Pinasaya mainstay na isang baby shower lang ang gusto niya.

Paliwanag niya, “Kasi, nung bridal shower ko, ang dami. Kaya this time, isa lang.

“Ang dami ngang nagtatampo, pero sabi ko, marami pa namang next time.”

Hiniritan namin siya na gusto namin, marami pang next time.

Tugon ni Marian, “Oo naman, kailangan maraming kapatid itong panganay ko.”

Ayon kay Marian, walang halos nagbago sa hitsura niya nang mabuntis siya.

“In fairness, parang tiyan ko nga lang ang lumaki talaga. Pero mabigat na siya.

“Weekly na akong may check-up sa OB [obstetrician] ko, at sa awa ng Diyos, all good lahat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“At napakabait, naka-position na siya as early as now.

"Yung ulo nasa baba, nakaikot. Nakapabait na bata."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN