Maine Mendoza posts Alden Richards's gifts for her on Instagram

Nakarating na kay Maine Mendoza ang mga ipinadalang prutas at bulaklak para sa kanya ni Alden Richards. Sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! kanina ay ipinakitang bumili si Alden ng mga prutas, cake, at bulaklak para kay Yaya Dub dahil maysakit ito.


Natanggap na ni Maine Mendoza ang mga ipinadalang prutas, cake, at bulaklak ni Alden Richards para sa kanya.

Wala kasi si Maine kaninang tanghali, September 22, sa Eat Bulaga! dahil masama ang pakiramdam nito.

Kahapon, September 21, ay nag-post sa Twitter si Maine ng ginawang check-up sa kanya:

I've had enough of needles and tests for today nakakastress thank you very much can I go home now

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 21, 2015

Sa episode ng Kalyeserye kanina, pinalabas na kasalukuyang naka-confine sa ospital ang karakter ni Maine na si Yaya Dub pagkatapos mawalan ng malay kahapon.

Nabagok kasi ang ulo ni Yaya Dub nang bumangga ang sinasakyan niyang kotse sa isang tricycle pagkatapos ng first date nila ni Alden noong Sabado, September 19.

Read: Alden Richards and Yaya Dub's first date ends in tragedy?

Kanina, sa pag-uusap nila ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa telepono ay nag-request si Yaya Dub ng mga prutas.

Ipinarating ito ni Lola Nidora kay Alden, na agad-agad namang bumili ng mga prutas; sinamahan pa niya ito ng cake at bulaklak.

Gusto pa nga sana ni Alden na siya mismo ang magbigay kay Yaya Dub ng mga binili niya, pero ayon kay Lola Nidora ay ipinagbabawal pa ng doktor na tumanggap ito ng bisita.

Ipapadala na lamang daw niya ang mga prutas, cake, at bulaklak sa kanyang mga Rogelio o bodyguards.

Ngayong gabi, nag-post si Maine sa kanyang Instagram account ng larawan na nagpapakita na natanggap na niya ang mga ipinadala sa kanya ni Alden.

Maikling caption niya rito: "Thank you!"

Thank you! ☺️

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onSep 22, 2015 at 4:20am PDT


YAYA DUB SPEAKS? Samantala, sa episode din ng Kalyeserye kanina ay muling narinig ang tinig ng isang babae, na unang narinig kahapon.

Habang kausap ni Lola Nidora si Yaya Dub sa telepono ay may nagsalita ng "Lola, Lola..." at saka "Alden, Alden..."

Hula ng marami, boses ito ni Yaya Dub at malapit nang marinig ang tunay na boses ni Maine.

Read: Alden Richards buys fruits for Yaya Dub; did Yaya Dub call Alden's name?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa panayam naman ng 24 Oras kay Alden na umere ngayong gabi ay kinumpirma na niyang kasama sila ni Maine sa Metro Manila Film Festival movie na My Bebe Love, kung saan kasama rin nila sina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN