Ruru Madrid not jealous of Alden Richards's popularity; admits crush on Maine Mendoza

Ruru Madrid on being an AlDub fan: "First time ko po kasing kiligin sa ganun! Pagka AlDub na, kahit buong family ko, nanonood."


Masaya si Ruru Madrid sa kasikatang tinatamasa ngayon ng kapwa niya Kapuso actor na si Alden Richards.

Sabi ng teen actor sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Siyempre kaibigan ko po si Alden, e. Masasabi ko po na close kami.

“Family po namin, dad niya, dad ko, sobrang close, tapos kaming dalawa ni Alden [ganun din].

“Sama-sama po, pagka kunyari dati, sa Party Pilipinas, sa Sunday All Stars, tapos lagi kaming nag-uusap-usap.”

Nagba-bonding daw ang mga ama nina Alden at Ruru habang hinihintay silang matapos ang trabaho.



NO INSECURITY. Hindi rin daw nakakaramdam ng insecurity si Ruru dahil sikat na sikat si Alden ngayon.

Nagtu-tweet pa nga raw siya tungkol sa AlDub, ang phenomenal tandem nina Alden at Maine Mendoza (Yaya Dub).

Kuwento ni Ruru, “First time ko po kasing kiligin sa ganun!

“Pagka AlDub na, kahit buong family ko, nanonood.

“Lola ko nga, pag minsan, yung mga soap ko hindi na pinapanood dahil hirap ng hirap nang manood ng TV.

“Pero pagka AlDub, pinapanood niya.”

Ano ang reaksiyon ng lola ni Ruru sa AlDub?

“Napapatili yung lola ko!” tumatawang sabi niya.



CRUSH ON MAINE MENDOZA. Crush daw ni Ruru si Maine.

"Ang ganda niya, e!" bulalas niya.

"Well, actually, hindi ko po masabing magandang-maganda, like parang mga Solenn Heussaff.

"Pero ano siya, e, may ano po siya, yung appeal niya, iba, sobrang lakas.

“Habang pinapapangit niya yung sarili niya, lalo siyang gumaganda.

“Kaya ano po ako, e, nung una, parang natatawa ako sa kanya.

"Kahit nung wala pa po siya sa Eat Bulaga, crush ko na siya."

Noon pa raw napapanood ni Ruru ang Dubsmash videos ni Maine sa YouTube.

“Gandang-ganda ako sa kanya.

"Tapos hinahanap ko kung ano ang pangalan niya, hindi ko makita.

“Tapos nung lumabas na siya sa Eat Bulaga, sabi ko, ‘Kilala ko ito, a!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Tapos [sinabi ko sa sarili ko], ‘Yaya Dub? Ito yung lagi kong pinapanood. Ano kaya pangalan niya?’

“Tapos sinearch ko, tapos yun pala Maine.

"Tapos finollow ko na siya agad sa Twitter.”

Ayon kay Ruru, okey lang sa ka-loveteam niyang si Gabbi Garcia na crush niya si Maine.

“Crush lang naman po,” sabi ni Ruru, na napapanood ngayon sa afternoon soap na The Half Sisters.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN