Lovi Poe on Senator Grace Poe's presidential bid: "I will support her as someone who believes in her... not as her sister."

Lovi Poe says the movie Heneral Luna has greatly affected her so much so, "Hindi naman ako nagra-rant, usually I keep things to myself. This time, nag-rant talaga ako after watching, parang apektadong-apektado ako, it was that good."


Mariin ang naging pahayag ni Lovi Poe tungkol sa pagsuporta niya sa kandidatura ng half-sister niyang si Senator Grace Poe sa pagka-presidente sa 2016.

“Oo naman, full support ako sa kanya.

“Buong-buo ang suporta ko sa kanya, parang no question about it.

“On a personal level, of course, I will support her as someone who believes in her.

“Not as her sister, but from someone else’s point of view, I will support her.”

Nabanggit ni Lovi na nagkausap sila ni Senator Grace bago pa ang naging announcement nito.

HENERAL LUNA. Samantala, isa si Lovi sa maraming humanga sa pelikulang Heneral Luna, lalo’t ang direktor nitong si Jerrold Tarog ang nagdirehe ng mga pelikula niyang Sana Dati at Aswang.

Ayon sa Kapuso actress, “I wanna rave Heneral Luna, so nice, sobrang favorite ko.

“Ang galing ni John Arcilla, ang galing ni Jerrold Tarog, everyone was so good… I love Jerrold!

“Talagang paglabas ko [sa sinehan], naging aktibista ako for a moment, tweet ako nang tweet.

“Nagra-rant ako about... hindi naman ako nagra-rant, usually I keep things to myself.

“This time, nag-rant talaga ako after watching, parang apektadong-apektado ko, it was that good.

“At saka, every scene, si Direk Jerrold talaga, favorite ko siyang katrabaho rin.”

Nag-resume na silang muli ng shooting ng indie movie niyang Lakambini na historical din ang tema.

Mas na-inspire ba si Lovi na gawin ito pagkatapos niyang mapanood ang Heneral Luna?

“Yun nga, e!” natawang sabi niya. “Kailangang ibigay ko ang buong puso ko, nakakahiya kay Mr. John Arcilla.”

BEAUTIFUL STRANGERS. Naikuwento rin ni Lovi ang intensidad ng eksena nila ni Christopher de Leon sa GMA primetime series na Beautiful Strangers.

Ang karakter kasi ni Christopher ang naging ugat kung bakit naghihiganti si Lovi.

Ayon sa aktres, “Masarap siyang katrabaho, very professional.

“He doesn’t care kahit may isa kaming eksena na talagang sinasakal ko siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Talagang pumunta ako sa kanya, chinoke ko siya, wala siyang pakialam.

“Maganda yung scene na yun, akala ko nga hihimatayin na ako sa sobrang galit.

“I couldn’t pass out, sayang naman, uulit pa ‘ko.”

Nangyari na bang hinimatay siya?

“Sa totoong buhay, hindi sa taping… sa sobrang iyak, nag-blackout ako, tapos I passed out.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN