Gladys Reyes says Alden Richards is a role model to other young stars

Gladys Reyes on AlDub phenomenon: “Unang-una, huwag natin masyadong dibdibin, kasi katuwaan lang naman ‘to. Kumbaga, ang daming napapasaya, e. Enjoy na lang natin. Sa hirap ng buhay ngayon, kaya ang daming naaaliw sa AlDub. Unang-una, noontime show ‘yan, bakit hindi na lang natin i-celebrate ang feelings?”


Bago pa man maging phenomenon ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ay madalas nang bukambibig ng aktres na si Gladys Reyes ang magagandang katangian ng tinatawag ngayong Pambansang Bae.

Dati pa ay madalas nang magkomento si Gladys sa ilang larawan ni Alden sa social media, at sinasabi niyang mabait at marespeto ang Kapuso heartthrob kumpara sa ibang kabatang artista ngayon.

Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gladys sa presson ng pelikulang Felix Manalo sa Manila Hotel kagabi, September 22, ay kinunan namin siya ng pahayag tungkol sa kasikatan ngayon ng AlDub at ni Alden mismo.

Saad niya, “Well, unang-una, dun muna sa AlDub, isa ako dun sa napakaraming natutuwa para kay Alden.

“Kasi, di ba, hindi pa ganyan, di ba, nagre-react ako nun, picture niyo ni Alden…

“Nag-guest si Alden sa Everyday Happy, talagang naaano ko sa kanya, hindi pa siya ganitong kainit ngayon sa AlDub, nakikita ko na sa batang yun na sisikat siya.

“Unang-una, marespetong bata.

“Pangalawa, alam mong mahal niya ang trabaho niya, makikita mo.

“At napaka-down to earth na tao.

“Nandun ka na sa dulong-dulo, tatawagin ka pa, ‘Ate Gladys!’

“Kaya nag-i-Eat Bulaga na ‘yan, hindi pa AlDub, maggi-guest ako, pupuntahan niya ako sa dressing room, ‘Hi Ate.’

“Respect! Na sana gayahin ng iba na sumisikat talaga.”

Natawa naman si Gladys nang tanungin kung sino yung ibang artista na sana ay gumaya kay Alden na marespeto.

“Wala akong sinasabi, don’t put words into my mouth!”natatawang biro pa niya.



KALYESERYE. Bilang board member ng Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB), ano ang masasabi ni Gladys sa Kalyeserye ng Eat Bulaga, kung saan kabilang si Alden?

Sa kabila ng kasikatan ng naturang segment, at maraming mga natutuwa at nai-inspire, hindi pa rin nawawala ang ilang nangba-bash na kesyo baka hindi maganda ang epekto nito sa ilang batang nanonood.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Gladys, “Unang-una, huwag natin masyadong dibdibin, kasi katuwaan lang naman ‘to.

“Kumbaga, ang daming napapasaya, e. Enjoy na lang natin.

“Sa hirap ng buhay ngayon, kaya ang daming naaaliw sa AlDub.

“Unang-una, noontime show ‘yan, bakit hindi na lang natin i-celebrate ang feelings?”

Sa MTRCB naman daw, kapag araw-araw na palabas sa telebisyon ay may self-regulation na ang programa.

At dagdag pa ni Gladys, “So far, wala naman silang ginagawa.

“And sa katotohanan nga, marami silang napapasaya—bata, matanda, di ba?”

Ano naman ang masasabi niya sa “Pastillas Girl” ng It’s Showtime?

Sagot ni Gladys, “Yung sa kabila naman, honestly, hindi ko pa kasi masyadong natututukan yun.

“Nakikita ko lang sa social media yung hashtag-hashtag nila.”



ALDUB FANS. Hindi kaya maakusahan si Gladys na may pinipili lang siyang panoorin bilang MTRCB board member?

Paliwanag ng aktres, “Sabi ko nga, sa dami namin sa MTRCB, 30 kami na members, hindi naman ako palagi sa noontime show.

“Iba-iba kaming ina-assign.

“Nagkakataon kasi, like sa bahay namin, mga kasambahay ko, yun [Eat Bulaga!] ang pinapanood.

“Yung mga anak ko, like si Aquisha, yung anak ko, kinikilig kay Alden.”

Dugtong pa niya, “Siyempre, ako talaga, natutuwa ako sa success ni Alden.

“Siyempre, si Yaya Dub, hindi ko pa nami-meet, hindi ko pa siya nae-encounter pa.

“Pero masasabi kong deserving din siya, napaka-talented din.

“Nakita ko yung Dubsmash niya na sync na sync, hindi lahat makakagawa nun.

“Ako, parang limited lang magagawa ko sa Dubsmash.

“Pero para ganunin mo mukha mo, i-distort mo mukha mo, wala kang pakialam, papangitin mo man…

“Pero, di ba, yung charm niya?

“I-celebrate na lang natin, let’s all be happy na lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN