Vice President Jejomar Binay wants Alden Richards to portray him in biopic

Vice President Jejomar Binay on why he wants Alden Richards to play him in a biopic: "Kaya nabanggit ko kasi sikat na sikat. Importante sa sine yung sikat na artista para at least may crowd na darating dahil sa kanya."


Ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (Yaya Dub) ang gusto ni Vice President Jejomar Binay na makasama sa pangangampanya para sa kanyang presidential bid sa 2016 elections.

Pahayag niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press, “Sana si AlDub... wow na wow ba?

"Yung AlDub, sayang na-miss ko yung huli.

"Matatalo yung AlDub sa Senado kasi kapag nagkasundo-sundo na, tapos na yung serye, e.

"Yung sa Senado lampas na sa isang taon, e, hanggang ngayon…

"Pero maganda yung huli yatang show, naka-12 million tweets. Congratulations!"

Ayon pa sa bise presidente, pinapanood niya ang sikat na Kalyeserye ng Eat Bulaga.

At kung sakali mang isasalin sa pelikula ang kuwento ng kanyang buhay, si Alden ang gusto niyang gumanap na Jojo Binay.

Hindi raw problema kung mestizo ang Kapuso actor dahil may mga paraan para mapaitim ang balat ng isang tao.

Ayon kay Binay, “Kaya nabanggit ko [si Alden] kasi sikat na sikat.

"Importante sa sine yung sikat na artista para at least may crowd na darating dahil sa kanya."

Idinagdag ni Vice President Binay na si Alma Moreno ang napipisil ng kanyang partido para maging kinatawan ng mga kababaihan sa Senado.

Pero hindi niya sinabi ang pangalan ng mga showbiz personality na sumusuporta sa kandidatura niya.

“Yung iba, e, hindi makalabas-labas dahil as per their contract, hindi sila dapat mamulitika.

"Kapag dumating na lang ang oras."

VILMA AND NORA. Naniniwala naman si Vice President Binay na qualified na qualified si Batangas Governor Vilma Santos-Recto para maging Vice President dahil sa mga karanasan ng Star for All Seasons sa public service.

Pero alam niyang walang plano si Governor Vilma na kumandidato bilang bise presidente.

Nonetheless, nasa listahan daw ng search committee ni Binay ang pangalan ng Star For All Seasons.

Kung sakaling mahalal naman siya na Pangulo ng bansa, sinabi ni Binay na pipirmahan niya ang rekomendasyon na ideklara si Nora Aunor bilang National Artist dahil sa mga kontribusyon ng multi-awarded actress sa Philippine movie industry.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

At sa tanong kung may mga nagpi-flirt o lumalandi sa kanya sa mga pag-iikot niya sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas, natatawa at pabirong sumagot si Binay.

Sabi niya, “Kapansin-pansin mo naman kung lumalandi o hindi.

"Minsan kapag sinasalubong ka, sa yakap pa lang, makikita mo, may malisya na."

Nakakaramdam pa ba siya ng malisya?

“Aba, basta ang masasabi ko sa 'yo, hindi pa ako nakakatikim ng Viagra!” natatawang sagot ni Vice President Binay.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN