Judy Ann Santos on bed rest for two weeks; assures she and her baby are "safe and okay"

by Bernie V. Franco
Sep 23, 2015
Tiniyak ni Judy Ann Santos na nasa mabuti siyang kalagayan at ang sanggol sa kanyang sinapupunan, pero pinayuhan daw siya ng doktor na mag-bed rest ng dalawang linggo with minimal movements only.

Naglabas ng official statement si Judy Ann Santos tungkol sa kanyang kalagayan at pagbubuntis, kasunod ng pagkakansela ng nakatakda niyang book signing sa Abreeza Mall, Davao City, ngayong Sabado, September 26.

Nag-post si Judy Ann ng abiso sa Instagram kahapon, September 22, na postponed ang book signing ng kanyang cookbook sa Davao dahilan upang mag-alala ang kanyang followers sa comment section.

May isang netizen (@reggann36) ang nag-comment at isinisisi ang nangyari kay Juday sa asawa nitong si Ryan Agoncillo dahil umano nagbiyahe pa sila, kahit na anim na buwang buntis na ngayon ang aktres.

Noong nakaraang linggo ay namasyal ang mag-asawa sa Istanbul, Turkey.

Binatikos naman ang nasabing netizen ng iba pa at sinabing walang gustong mapahamak si Judy Ann, lalo na ang asawa nito.

Bumuhos naman ang paalala kay Judy Ann mula sa kanyang followers na magpahinga nito nang mabuti at mag-ingat.

Continue reading below ↓
Read Next
Read More Stories About
Judy Ann Santos
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Tiniyak ni Judy Ann Santos na nasa mabuti siyang kalagayan at ang sanggol sa kanyang sinapupunan, pero pinayuhan daw siya ng doktor na mag-bed rest ng dalawang linggo with minimal movements only.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results