Nadine Lustre says there's no issue between her and Kathryn Bernardo despite bashers

Nadine Lustre on growing interest on On The Wings of Love: “I’m just really, really happy na ganun ang pagtanggap ng tao sa On The Wings of Love. Super po nakakakaba po siya. Hindi po namin alam kung paano namin masu-sustain pa yung panonood ng marami. I just hope na patuloy silang sumuporta.”


Nagpapasalamat si Nadine Lustre sa bumubuo ng teleserye nila ni James Reid, ang On The Wings of Love, ngayong parami na nang parami ang sumusubaybay sa bawat episode nila na umeere sa ABS-CBN.

Last week, umabot sa mahigit one million tweets ang inabangang kissing scene nina Nadine at James at patuloy pa ring humahakot ng pansin ang kanilang teleserye sa social media.

Sabi ni Nadine, hindi pa rin siya makapaniwalang mabibigyan ng pansin ang On The Wings of Love kaya laking-pasasalamat daw niya.

“I was really grateful po to the fans and of course to Dreamscape and Viva Productions for giving us this project for me and James.

“Kasi hindi ko alam, e. Hindi ko po alam kung ano pa ang mararamdaman ko.

“I’m just really, really happy na ganun ang pagtanggap ng tao sa On The Wings of Love.

“Super po nakakakaba po siya.

"Hindi po namin alam kung paano namin masu-sustain pa yung panonood ng marami.

“I just hope na patuloy silang sumuporta.”

Eksklusibong nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nadine sa 63rd FAMAS Awards, na ginanap sa Newport Performing Arts, sa Resorts World Manila, noong September 20.



BASHERS. Tila ngayon lang nagkakapangalan sina Nadine at James sa telebisyon, matapos silang gumawa ng ingay sa magkakasunod na pelikulang ginawa nila—Diary ng Panget, Talk Back and You’re Dead, at Para Sa Hopeless Romantic.

Pero marami munang pinagdaanang isyu, intriga, pambabatikos, at pamimintas si Nadine bago tinangkilik ang teleserye nila ni James.

Paglalarawan ng young actress tungkol sa kanyang damdamin, “Well, eto naman po kasi, when you go into showbiz, hindi naman po puwedeng walang bashers.

“It comes with it. Kasama po talaga siya.

“I guess I’m just really thankful na meron din [bashers].

“Kasi yun nga, wala namang sikat na walang bashers.

“Wala namang artista na walang bashers. Lahat naman po meron po talaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kahit po hindi artista, meron pong bashers, e.

“At least, people know you still.”

Pinaniniwalaang mula sa mga masugid na tagahanga ni Kayhryn Bernardo ang karamihan ng bashers ni Nadine sa social media.

Maliban sa pagiging magkamukha nila, sinasabing sina Nadine at Kathryn ang pinagtatapat dahil parehong umeere ngayon sa ABS-CBN ang kani-kanilang mga teleserye—ang On The Wings of Love at Pangako Sa ‘Yo.

Bagamat nagkita na ng dalawang beses, hindi pa raw nakakapag-usap sina Nadine at Kathryn.

Ayon sa Viva star, “Hindi pa po kami nagkakausap. Hi, batian lang.

“Okey naman po.

“Ako po, personally, wala namang isyu sa akin.

“Hopefully, siya naman po ay wala. We’re just really working.

“Ako po wala po talaga. Walang isyu.”



RAPPORT WITH JAMES. Kapansin-pansin naman ang mas magandang rapport nina Nadine at James.

Masasabi bang mas maayos ito ngayon kaysa dati?

Sagot ni Nadine, “I guess, kasi po we see each other every other day, e.

“So, more time to spend each other, mga ganyan.

“Well, I know him na. Pero gets niyo po na mas nakikilala ko pa siya na halos araw-araw po kaming nagkikita.”

Mas close ba sila ngayon kaysa dati?

“Of course, the friendship is there naman po talaga.”

Muling mapapanood sina Nadine at James sa pelikula.

At sa pagkakataong ito, kasama sila sa cast ng pelikulang ginagawa nina Vice Ganda at Coco Martin para sa Metro Manila Film Festival.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN