Snooky Serna admits finding new love; refuses to reveal details about the guy

Snooky Serna on her lovelife: “I’m so happy and I’m so thankful. Right now, I’m grateful that in my personal life, nabibiyayaan itong life ko na meron akong isang taong nasa tabi ko palagi na maituturing kong best friend at partner ko."


Inamin ng aktres na si Snooky Serna na makulay ang personal life niya ngayon dahil may nagpapasaya sa kanyang puso.

Pahayag niya, “I’m so happy and I’m so thankful.

"Right now, I’m grateful that in my personal life, nabibiyayaan itong life ko na meron akong isang taong nasa tabi ko palagi na maituturing kong best friend at partner ko."

Ayon kay Snooky, mag-iisang taon na ang kanyang lovelife, pero tumanggi itong pangalanan ang lalaki.

“Secret, huwag muna.

"With due respect, huwag muna. Baka maudlot.

"Hindi naman ako superstitious, pero parang this time around, no offense meant sa inyo my friends [press], pero parang nag-e-enjoy ako sa anonymity ng relationship or privacy.

“Actually, twenty-five years na kaming magkakilala, pero ngayon lang nagkatotoo or, I mean, nagkatuluyan kami.

“Hindi pa natin masasabing nagkatuluyan kami dahil hindi pa naman kami kasal.

"Pero ibig sabihin, yung na-develop sa isa’t isa after twenty-five years."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Snooky sa presscon ng Felix Manalo, noong Martes, September 23, sa Manila Hotel.

Kabilang si Snooky sa cast ng nasabing pelikula na pinagbibidahan ni Dennis Trillo.

Ginagampanan niya rito ang papel ni Pilar Manalo-Danao, unang head choir directress ng Iglesia Ni Cristo (INC) at eldest daughter ni Felix Manalo, unang executive minister ng INC.



TRYING TO CONVERT. Itinanggi ni Snooky ang balitang kapatid niya sa INC ang kanyang karelasyon ngayon.

Sabi ng aktres, “Inaakay ko siya. Kasi hindi puwedeng magkaroon ng significant other na hindi kapatid.”

Paano kung ayaw magpa-convert sa INC ng boyfriend niya?

Tugon ni Snooky, “Wala akong magagawa kundi ang mas piliin ko ang faith ko kaysa sa kanya.

“Kaya nga talagang I’m really praying so hard.

"Pinagpapanalangin ko talaga, ipinagpapanata ko siya.”

Napag-uusapan na ba nila ang kasal?

“Hindi pa. We’re still getting to know each other better.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"It’s more of that. And it’s more of BFF [best friends forever],” sabi ni Snooky.

Nakilala na raw ng mga anak ni Snooky at ng iba pang kasama niya sa bahay ang lalaki.

“Sila yung unang-unang dapat makakilala, yung mga anak ko at mga elders na kasama ko sa bahay.

"Si Tita Eden, yung nag-alaga sa akin, saka yung aking si Tito Jim, dahil both of my parents are already deceased.

“Sila na yung tumatayong mga magulang ko, yung aking matandang dalagang tita and matandang binata kong uncle.

“Sila yung unang pinagsabihan ko. Nagpaalam pa rin ako,” saad ng 49-year-old actress.

SETTLING DOWN AGAIN. Magpapakasal ba ulit si Snooky?

“Ayokong magsalita nang patapos,” nakangiting sagot niya.

Wala raw siyang alam kung may plano nang magpakasal ang ex-husband niyang si Ricardo Cepeda at ang karelasyon nito ngayong si Marina Benepayo, dating modelo at beauty queen.

Sabi ni Snooky, “Ayaw ko silang pangunahan kung ano ang plano nila.

"Kung gusto nila, okey na okey sa akin.

"I wish them well. I wish that sana sila na."

Ibinalita namin kay Snooky na tila kasama ni Marina ang isa sa mga anak ng aktres sa Bench Quick Fix launch na ginawa sa Mega Fashion Hall noong Linggo, September 20.

Napangiti si Snooky at sinabing walang isyu sa kanya ito.

“Honestly, I’m thankful kay Marina, lalo na ngayon.

"Thank God, sa awa ng Diyos, everything has been coming up roses in my career. I’ve been very busy sa awa ng Diyos.

“Marina has been turning out to be a very good second mom to my children.

"Hindi nga lang very good. She exceeds being very good at alam ko na ramdam ko na mahal na mahal niya ang mga anak ko.

“What she’s doing is not only because of Richard.

"I know for a fact that she really has a heart for my children, and for that I am thankful."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi ba iniisip ni Snooky na inaagawan siya ni Marina ng papel bilang nanay?

Tugon ng My Faithful Husband actress, “Yun bang parang competition? Wala, hindi ko nararamdaman yun.

“I’m just really thankful kasi parang napupunuan niya yung mga spaces in between. Kumbaga, nabi-busy ako sa trabaho.

“May mga obligasyon ako na dapat gawin na para rin naman sa amin ng mga bata.

"Si Marina naman ang pumupuno."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN