Sylvia Sanchez refuses to tell the reason why Beauty Gonzalez suddenly left Ningning

Sylvia Sanchez explains the reality in teleserye is that supporting actors come and go. She says, “Kahit nga bida napagpahinga... kung nagiging pasaway, but still nandiyan siya. Pero yung mga supporting, kahit sino puwedeng matapos yung character.”


Hindi na raw nagtaka si Sylvia Sanchez sa pagkawala ni Beauty Gonzalez sa teleserye nilang Ningning, na kasalukuyang umeere tuwing umaga sa ABS-CBN.

Pahayag ng veteran actress, “May pangyayari talagang kailangang matapos, ganun naman yun, e.

“Sa istorya, kailangang tapusin ang isang character.

“Kahit nga bida napagpahinga, alam mo yun?

“Kung nagiging pasaway, but still nandiyan siya.

“Pero yung mga supporting, kahit sino puwedeng matapos yung character.”

Close ba sila ni Beauty?

Sagot ni Sylvia, “Oo naman, pero hindi kami ganung ka-close, kasi ngayon lang kami nagkasama, but we’re okay.”

Nitong mga nakaraang linggo, lumabas ang balitang mawawala na raw ang karakter ni Beauty sa Ningning, hanggang nagpaalam na nga ang aktres sa kanyang fans via Instagram.

Ilan sa mga kumalat na espekulasyon sa pamamaalam ng aktres ay ang diumano’y pagdadalantao nito.

May humuhula namang inilipat lang siya sa bagong teleserye ng ABS-CBN na Walang Iwanan.

Lumipad na si Beauty patungong Australia na walang pasabi-sabi sa kung ano ang tunay na estado niya ngayon.

Read: Beauty Gonzalez leaves Ningning amid pregnancy rumor



NO COMMENT. Sa exclusive interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Sylvia sa FAMAS Awards noong Linggo, September 20, umiwas ito agad sa tanong tungkol sa balitang buntis si Beauty.

“Ay, wala akong pakialam diyan, no comment ako diyan.

“Alam ko kung bakit nawala siya, alam ko lahat.

“Pero wala ako sa posisyon para magsalita, respeto na rin lang naman,” sabi ng aktres.

May mga nagsasabing posibleng magbago ang daloy ng istorya sa Ningning ngayong wala na ang karakter ni Beauty, na gumaganap bilang ina ng bidang si Jana Agoncillo.

Tiniyak naman ni Sylvia na hindi maaapektuhan ang kanilang soap.

“Maniwala ka, iba ang unit na gumawa ng istorya.

“Magaling silang sumapol sa puso, yung tagos hanggang puso, forte nila yun.

“Ngayon nga, umookey ang istorya namin, so far hindi naman bumababa ang ratings.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre, nakakalungkot dahil wala na yung nanay, pero sa totoong buhay ganun naman talaga.

“Hindi natin inaasahan kung kailan mawawala yung mahal mo sa buhay.

“So, ginawa lang naming realidad ito na nangyayari ito sa buhay.”

BEST SUPPORTING ACTRESS. Samantala, nagpahayag ng kasiyahan si Sylvia sa kanyang Best Supporting Actress award sa FAMAS para sa pelikulang The Trial.

Sabi niya, “Kaya nga sinabi ko [sa acceptance speech] sa Diyos, maraming salamat sa tuluy-tuloy na blessing.

“Bukod sa maganda na yung career ko ngayon, ang pamilya ko buo.”

Kahit maraming awards na ang natatanggap ni Sylvia, itinuturing pa rin niyang malaking bagay para sa karera niya ang natatamong karangalan.

“Hanggang ngayon malaking bagay.

“Doon mo nakukuha ang respeto at doon mo nakukuha at nakukumpirma na nagugustuhan ang ginagawa mo.”

Pag nakakakuha ba ng award, tumataas ang talent fee ng mga artista?

Tugon ni Sylvia, “Nakakatulong, oo naman, huwag naman tayong ipokrita, nakakatulong naman.”

Ibig sabihin, sa bawat award na natatanggap niya, tumataas ang professional fee niya?

“Ay, hindi naman, hindi naman kasi ‘yan regulasyon.

“Puwede kang magtaas, pero hindi yung maya-maya, alam mo yun?

“Actually, bahala na ang Diyos, lagi kong sinasabi sa kanya, 'Your will be done.'

“Basta ako, aarte ako hangga’t kaya ko pa.

“Sabi nga ni Tita Gloria [Romero], hangga’t kaya pang mag-memorize, nandito pa ako.

“Pero siyempre pag nagkakaedad, papahinga ka na konti.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN