Katrina Halili says she finally found love: "Sobrang happy ko na, e."

Katrina Halili on finally finding love: “Feeling ko dati, yung paghahanap ko sa mga boyfriend, naghahanap lang ako ng love. E, ngayon nahanap ko na, e."


Bago ang Destiny Rose, na tungkol sa baklang naging transwoman, nakasama rin si Katrina Halili sa "tomboyserye" na The Rich Man’s Daughter.

Kaya’t di napigilan si Katrina na tawagan ang co-star na si Sheena Halili at magtanong, “Ano ba, Sheena, bakit dito na tayo napupunta? Ganito ba talaga? Ano, ito na ba talaga ang tatahakin natin?'”

Dugtong ni Katrina, “Joke-joke lang. Nagbibiruan lang kami.

“Sabi na lang namin, ‘Siguro hindi naman tayo ilalagay ni God dito kung hindi tayo kailangan.’

“Tapos, nagbasa ako ng Bible. May verse si God, e. Sinabi ko din yun kay Sheena, na parang hindi mabubuo yung isang body part kung kulang.

“So, hindi ka nilagay ni God diyan dahil wala ka lang. Kailangan ka diyan.

“So ako, every time na may binibigay sa akin, feeling ko bigay sa akin ni God, di ba?

“So wala nang question. Gagawin ko na lang kung ano yung dapat kong gawin.”



STILL SINGLE. Loveless si Katrina ngayon.

“Simula nung nagka-Katie ako, sobrang happy ko na, e,” pagtukoy ni Katrina sa anak niyang si Katrence.

“Feeling ko dati, yung paghahanap ko sa mga boyfriend, naghahanap lang ako ng love. E, ngayon nahanap ko na, e.

“Kay God, sa family ko, sa trabaho ko and kay Katie. So wala akong hahanapin.

“Sabi nga ni Lola Nidora, 'Sa tamang panahon!'”

At wala rin daw siyang manliligaw sa ngayon.

Pero sa tingin ba ni Katrina, panahon na para matagpuan niya ang magmamahal sa kanya?

“Kasi po iyon nga sinasabi ko, dati lagi akong nagmamadali, ngayon ayoko nang hanapin. Hihintayin ko yung ibibigay sa akin.”



GOOD VIBES. Maluwag na maluwag na raw ang dibdib niya ngayong maayos na ang sitwasyon nila nina Dra. Vicki Belo at Hayden Kho.

“Sobrang happy ako. Yun nga sabi ko, na kung magkita kami somewhere, di ba, makakapag-'Hi!' ako sa kanila dahil nakapaghingi ako ng apology, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi yung, ‘Nakita ko ba sila? Aalis na nga ako baka nakita nila ako!’

“Ngayon wala nang ganun.”

“Ang saya, di ba? Masarap!”

Mapapanood din si Katrina sa Husband For Sale episode ng Magpakailanman sa Sabado, September 26.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN