Regine Velasquez will not endorse politicians in 2016

Ayon sa Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, masyado pang maaga para maghayag ng kanilang susuportahang kandidato sa 2016 elections. Pero tinitiyak niyang hindi siya mag-eendorso ng kahit na sinong pulitiko sa 2016 elections.


Sa proklamasyon ni Senator Grace Poe ng kanyang kandidatura sa pagka-presidente para sa 2016 elections noong nakaraang linggo, lumutang ang balitang dadalo rito ang ilang celebrities; kabilang na ang mag-asawang Regine Velasquez at Ogie Alcasid.

Pero no show ang mga ito.

Sa presscon ng Regine… At The Theater ngayong Huwebes, September 24, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Asia's Songbird kung may napipisil na ba sila ni Ogie na susuportahan sa 2016 national elections.

Sagot ni Regine, “Kung saan yung asawa ako [dun ako].

“But right now, it’s too early to say.

"As much as possible, I don’t wanna get involved."

May ieendorso ba siyang kandidato sa pagka-Pangulo?

Paglilinaw niya, “Hindi naman talaga ako nag-e-endorse.”

Nakausap ng PEP at ilan pang miyembro ng media si Regine sa presscon ng Regine… At The Theater, na ginanap sa Cerchio restaurant, Scout Limbaga, Quezon City.

Ang Regine… At The Theater ay ang pagli-level up ng Regine… At The Mall series ng Kapuso singer katuwang ang PLDT Home, na gaganapin sa The Theater ng Solaire Resort and Casino sa November 6, 7, 20, and 21.

Puring-puri ng executives ng naturang telephone company si Regine dahil tumaas daw ang sales ng kanilang landline dahil sa sipag ng Asia's Songbird sa free concerts na isinasagawa nila.

REGINE, THE JUDGE. Isa pa sa mga pinagkakaabalahan ngayon ni Regine ay ang pagiging judge sa StarStruck 6 ng GMA.

Kasama niya bilang judge sina Joey de Leon, Jennylyn Mercado, at Dingdong Dantes na nagsisilbi ring main host ng programa.

Every Friday, nagkakaroon ng live elimination ang show.

Sabi ni Regine, hindi pala ganun kadali mag-judge sa isa sa pinakasikat na artista search ng bansa.

“Ay, mahirap, akala ko madali lang!

“Akala ko pupunta ako ng Friday, magpapaganda ako, hindi pala.

"It’s very difficult to judge kasi that's the whole week of activities na ginagawa nila, madami, e.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“May acting sila, may singing.

"Tapos parang every day, paiba nang paiba, palalim nang palalim yung mga roles, challenges, pabigat nang pabigat.

“Well, at least for me, I find it a little difficult to judge.

"First of all, ang dami mong kailangang i-judge, so nakakalito."

Naniniwala naman si Regine na lahat ng hopefuls ay may kanya-kanyang talento at potensiyal.

Sabi niya, “One thing I can say is all of them have potentials. They do.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN