JM de Guzman replaced by Jericho Rosales in Walang Forever

IMAGE Noel Orsal

Kinumpirma sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng producer ng pelikulang Walang Forever na pinalitan na nila si JM de Guzman bilang leading man ni Jennylyn Mercado. Ayon kay Atty. Joji Alonso ng Quantum Films: "Yes, Jericho Rosales will take on the role of Ethan in Walang Forever."


Kinumpirma ng producer ng pelikulang Walang Forever na hindi na kasali sa cast ang Kapamilya actor na si JM de Guzman.

Ang Walang Forever ang entry ng Quantum Films sa 2015 Metro Manila Film Festival (MMFF) na pagbibidahan sana nina JM at Jennylyn Mercado.

Nitong mga nakaraang araw, lumabas sa Instagram ng ilang netizens ang mga larawang kuha sa shooting ng pelikula, pero si Jericho Rosales na ang nakasalang.

Upang kumpirmahin ang balita, hiningan ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag ang producer ng Walang Forever na si Atty. Joji Alonso noong September 21, pero hindi kaagad ito sumagot.

Kaninang bandang alas-tres ng hapon, September 24, nagpadala na ng mensahe sa amin si Atty. Joji.

Sinabi ng lawyer-producer na natagalan siyang magbigay ng pahayag sa PEP dahil kailangan niya munang humingi ng pahintulot sa pamunuan ng Metro Manila Development Authority (MMDA), ang namamahala ng taunang MMFF.

Kinumpirma niya sa amin na si Jericho Rosales na ang gaganap sa papel na dapat ay gagampanan ni JM.

Sabi ni Atty. Alonso, “I apologize for the delay in my reply.

“We had to seek the permission of the MMFF execom first.

“Yes, Jericho Rosales will take on the role of Ethan in Walang Forever.

“We can no longer wait for JM's availability.”

 

 

ALSO OUT OF ALL OF ME? Nitong mga nakaraang araw ay naging laman din ng tabloids ang mga kuwento tungkol sa diumano’y pag-iiba ng ugali ni JM.

Sa kolum ng PEP contributor na si Gorgy Rula sa Abante Tonite noong September 20, may sources itong nagsabi sa kanyang naging pabigat daw sa production ng All of Me ang 27-year-old actor.

Ang All of Me ay ang pinagbibidahang panghapong teleserye ni JM sa ABS-CBN, kasama sina Yen Santos at Albert Martinez.

Ayon pa sa artikulo ni Gorgy, “Kapag tulog daw ito [JM] sa set, nagagalit daw siya kapag ginigising para mag-take na. Naninigaw raw sa staff at minsan ay nagmumura pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pati raw direktor ng show na si Dondon Santos ay ganun din daw ang inabot mula sa aktor.

Ayon pa sa artikulo, baka hindi na magtagal ang karakter ng Kapamilya actor sa serye.

May kumalat ding balita na dahil dito, baka tapusin na lang agad ang show na kakasimula pa lang nitong buwan ng Agosto.

Sa nakalap namang impormasyon ng PEP, baka raw ang karakter lang ni JM ang tatanggalin after Week 7. Itutuloy pa rin daw ang show at magpo-focus na lamang sa karakter ni Albert.

May ilang nagtatanong naman kung bumalik ba sa dating bisyo si JM, na naging dahilan ng pagpasok nito sa rehab noong 2013.

Read: JM de Guzman admits going to rehab for drug use

Usap-usapan din ang balitang breakup ni JM at ng girlfriend niyang si Jessy Mendiola, na ayon sa maraming netizens ay naging sanhi ng pagkaaburido ng aktor.

Ilang araw na ang nakalipas, hinamon ni JM sa isang MMA fight ang kapwa Kapamilya actor na si Enrique Gil dahil sa insidenteng pambabastos diumano nito kay Jessy sa eroplano papuntang London.

Read: PEP EXCLUSIVE. Enrique Gil allegedly involved in drunken incident on London flight with Jessy Mendiola and Liza Soberano

Read: JM de Guzman challenges Enrique Gil to MMA fight: "Man up. Face me."

Ngunit pinabulaanan ni Jessy na break na sila ni JM sa kanyang Instagram post kamakailan.

Read: Jessy Mendiola denies rumored breakup with JM de Guzman; hits back at bashers

Mananatiling bukas ang PEP sa panig ni JM at ng pamunuan ng All of Me kaugnay ng isyung ito.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN