Eat Bulaga's National Pabebe Wave Day vs It's Showtime's Kapamilya Day heat up battle of noontime shows

It's gonna be a fun-filled but fiery battle between Eat Bulaga! and It's Showtime as both noontime shows offer special shows this Saturday, September 26.


Lalong magbabaga ang labanan ng dalawang nangungunang noontime shows sa bansa dahil sa inihanda nilang espesyal na pasabog para sa mga manonood ngayong Sabado, September 26.

Ang 36-year-old noontime show na Eat Bulaga, na napapanood sa GMA Network, ay idineklarang “National Pabebe Wave Day” bukas.

Maliban dito, bukas na rin magaganap ang inaabangang pag-akyat ng ligaw ni Alden Richards kay Yaya Dub (Maine Mendoza) sa mansyon ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Read: Alden Richards to sing "God Gave Me You" live for Maine Mendoza tomorrow

Sa kabilang banda, bukas din magaganap ang sixth anniversary kick-off ng noontime show ng ABS-CBN na It’s Showtime na gaganapin sa Araneta Coliseum.

Pinamagatang “It’s Showtime Kapamilya Day: The ANIMversary Kick-off,” imbitado sa show ang ilan sa pinakamalalaking artista ng Kapamilya network.

Ito ay sa pangunguna ng mga pinakasikat na loveteams sa ABS-CBN: sina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla (KathNiel), James Reid at Nadine Lustre (JaDine), Liza Soberano at Enrique Gil (LizQuen), at Kim Chiu at Xian Lim (KimXi).

Inaasahan din ang pagdating ng ibang Kapamilya stars tulad nina Coco Martin, Angelica Panganiban, Jodi Sta. Maria, Julia Montes, Richard Yap, Zanjoe Marudo, Erich Gonzales, Daniel Matsunaga, Gimme5, at ang PBB Teen Big 4.



ALDUB VS. KAPAMILYA STARS. Maliban sa ratings war, inaabangan din ang magiging labanan ng Eat Bulaga! at It’s Showtime sa social media, partikular na sa Twitter.

Ilang linggo nang dinodomina ng AlDub hashtagas ang Twitter world, at hindi na bumababa sa isang milyon ang tweets para rito araw-araw.

Noon lamang nakaraang Sabado, September 19, ay umabot sa 12.1 million tweets ang #ALDUBMostAwaitedDate, kung saan naganap ang unang date nina Alden at Yaya Dub.

Ito ngayon ang mayhawak ng record na may pinakamaraming tweets sa loob lamang ng 24 oras sa Pilipinas.

Nito namang nakaraang araw ay umabot na rin sa daan-daang libo ang hashtags para sa It’s Showtime, kung saan palagi nilang isinasama ang “Pastillas.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hango ito kay Pastillas Girl, isang Internet sensation na sumikat dahil sa kanyang video kung saan inihalintulad niya sa paggawa ng pastillas ang panlolokong ginawa diumano sa kanya ng ex-boyfriend.

Dahil dito ay nabuo ang segment na “Nasaan Ka Mr. Pastillas,” kung saan hinahanapan nila ng bagong pag-ibig si Pastillas Girl.

Nitong Biyernes ng gabi ay naglabas na ang ABS-CBN ng hashtag na #ShowtimeKapamilyaDay.

Samantalang eksaktong alas-dose ng ng madaling-araw ng Sabado inilabas ng Eat Bulaga! at AlDub nation ang hashtag nilang #ALDubEBforLOVE.

Sa pagsasanib-puwersa ng Kapamilya stars, na may milyun-milyong followers sa Twitter, marami ang nag-aabang kung kaya nitong pantayan o higitan ang 12.1 million tweets na naitala ng AlDub.

Sina Alden at Maine ay may pinagsanib na mahigit 3 million Twitter followers.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN