Ai-Ai delas Alas's son dismayed by netizens who question the actress' intention in helping Jiro Manio

Sancho delas Alas took to Facebook to express his dismay at some netizens tactless remarks ridiculing mom Ai-Ai's efforts at helping Jiro Manio: "Nakakalungkot/nakakairita yung ibang comments na nagsasabing "magkakatuluyan si Jiro at Ai-Ai," "may tendency na pumatol sa bata si AiAi." Hindi niyo po kilala ang nanay ko. Alam ko na may kanya-kanya tayong opinyon. Pero walang ibang hinangad ang nanay ko kundi ang tumulong."


Halatang dismayado si Sancho delas Alas, panganay na anak ni Ai-Ai delas Alas, dahil sa mga negatibong komentaryo na nababasa niya sa social media tungkol sa ginagawang pagtulong ng kanyang ina sa young actor na si Jiro Manio.

Si Ai-Ai ang isa sa pinakamasigasig tumulong kay Jiro matapos itong makitang palabuy-laboy sa NAIA Terminal 3 nitong nakaraang Hunyo.

Nagkasama sina Ai-Ai at Jiro sa film franchise na Ang Tanging Ina, kunsaan gumanap ang dating child actor bilang isa sa mga anak ng komedyana.

Dahil dito, hindi nag-aksaya ng panahon ang Comedy Concert Queen na tulungan si Jiro na maibalik sa normal ang buhay nito.

Umabot pa nga ito sa puntong pumunta si Ai-Ai sa Japan para personal na hanapin ang biological father nito.

Samantala, ang multi-awarded actor naman ay nasa isang wellness institution ngayon, habang ito ay nagpapagaling pa sa kanyang karamdaman.

Subalit sa kabila ng kabutihang ipinapakita ng aktres, hindi nakaligtas si Ai-Ai sa bashers.

Ang ilan sa mga ito ay binibigyan ng malisya ang pagtulong ng komedyana kay Jiro.

May nagsasabing sina Ai-Ai at Jiro ang magkakatuluyan, at gusto lang daw nitong maging boyfriend ang batang aktor kaya todo-suporta ito.

SANCHO'S FACEBOOK POST. Sa pamamagitan ng post ni Sancho sa kanyang Facebook account noong September 24, ipinaramdam niya ang kanyang pagkadismaya sa mga maling paratang sa kanyang ina, kasabay na rin ng pagtatanggol niya rito.

Ayon kay Sancho, "Nakakalungkot/nakakairita yung ibang comments na nagsasabing 'magkakatuluyan si Jiro at AiAi,' 'may tendency na pumatol sa bata si AiAi.'

"Hindi niyo po kilala ang nanay ko.

"Alam ko na may kanya-kanya tayong opinyon.

"Pero walang ibang hinangad ang nanay ko kundi ang tumulong."

Dugtong pa niya, "At siyempre, anak din niya si Jiro sa Tanging Ina.

"Kasabay ng mga kapatid ko na lumaki ng mga anak ng nanay ko sa Tanging Ina, na parang mga kapatid na rin namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya sa mga lahat ng nagsasabing magiging si Jiro at ang nanay ko, pasensiya na po talaga, pero ang bobo niyo.

"Wala na nga kayong naitulong na mga putragis kayo, kung ano pang mga kalechehan ang mga sinasabi niyo, mga punyetang masasama mag-isip.

"'Wag na kayong kumumento, kung wala rin kayong maitutulong sa ikabubuti ni Jiro. Peste!"

Kasabay ng post nito ay ang larawan nina Ai-Ai at Jiro na ipinost ng Kapuso star sa kanyang Instagram account, kunsaan nakikitang maaliwalas na ang hitsura ng young actor, at nakangiti na ito matapos ang halos tatlong buwan sa wellness institution.

Mayroon pa ngang nakasulat na update dito si Ai-Ai na nagsasabing "Ayan, nakangiti na siya.

"At saka, pinasulat ko letter sa daddy niya sa Japan.

"And may sulat din siya daddy Andrew niya.

"Kakatuwa, ibang-iba na siya, konting-konti na lang.

"PRAISE GOD, Salamat LORD AT NAKILALA KA NA NI JIRO."

Samantala, sa comment section naman ay nagbigay ng pahayag si Ai-Ai.

Mensahe niya kay Sancho, "Oo nga anak, 'wag munang pansinin ang mga ganyan.

"'Di ba, sabi nga JUDGING A PERSON DOES NOT DEFINE WHO YOU ARE, IT DEFINES WHO THEY ARE.

"MGA BABOY ANG MGA ISIP, BABOY ANG BUHAY NILA.

"Yun lang 'nak...DEADMA!!! Hehe LABYU...but thank you sa pagtatanggol."

Umabot na sa mahigit na 800 likes at dalawang shares ang nasabing post ni Sancho.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN