Alden Richards gets to know more about Maine Mendoza through her letter for him

Alden Richards and Maine Mendoza had their first-ever picture together during their meeting in today's episode of Kalyeserye. The phenomenal loveteam posted the same photo on their respective Instagram accounts.


Isang maikling mensahe ang ipinarating ni Alden Richards kay Maine Mendoza pagkatapos niyang mabasa ang nilalaman ng card na ibinigay nito sa kanya nang magkita sila sa Kalyeserye ng Eat Bulaga! kaninang hapon, September 26.

Kanina sa episode ng Kalyeserye ay umakyat na ng ligaw si Alden kay Yaya Dub (Maine) sa mansyon ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Bago sila maghiwalay, inabot ni Maine kay Alden ang card na naglalaman ng kanyang handwritten letter.

Ito ang card na ipinakitang sinusulatan ni Maine habang kumakanta nang live si Alden ng "God Gave Me You."

Read: Alden Richards cries while singing "God Gave Me You" for Maine Mendoza

Ibinuking pa nga ni Paolo Ballesteros kanina na tunay na pangalan ni Alden ang isinulat ni Maine sa labas ng envelope—Richard.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally have a selfie together; #ALDubEBforLOVE doubles previous record

Marami tuloy ang na-curious kung ano ang nilalaman ng sulat ni Maine para kay Alden.

Sa kanyang Instagram ngayong gabi ay ipinost ni Alden ang larawan ng envelope na pinaglagyan ng card ni Maine para sa kanya.

Nakasulat dito ang tunay na pangalan ni Alden: "Richard Faulkerson Jr."

Caption ng Pambansang Bae rito: "Upon reading this letter, mas nakilala kita. You're a beautiful person inside and out Meng. Maraming salamat sa message mo. TULOY ANG FOREVER!!"

Pero hindi na isiniwalat ni Alden kung ano ang nilalaman ng sulat ni Maine para sa kanya.

Kasunod nito ay ipinost din ni Alden ang kauna-unahang selfie nila ni Maine, na kuha ni Rihanna (Wally) sa unang pag-akyat niya ng ligaw kanina.

Caption niya rito: "Our first picture together."

Our first picture together. 😃

A photo posted by Alden Richards (@aldenrichards02) onSep 26, 2015 at 5:15am PDT

Ipinost din ni Maine sa kanyang sariling Instagram account ang parehong litrato nila ni Alden.

May caption siya ritong: "So.. this happened. Ang tagal nating hinintay to!"

Inabot kasi ng halos tatlong buwan bago sila magkalapit talaga at magkaroon ng pagkakataong makunan nang magkatabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ito ay sa kabila ng pagkakaroon na nila ng dalawang TV commercials at sikat na sikat na ang tambalan nilang AlDub.

So.. this happened. Ang tagal nating hinintay to!

A photo posted by Maine Mendoza (@mainedcm) onSep 26, 2015 at 5:37am PDT

Sa kanyang Twitter account naman ay sinubukan ni Maine na ilarawan ang kanyang naramdaman sa unang "pag-akyat ng ligaw" sa kanya ni Alden, pero napuno lang ito ng ellipsis.

*clears throat* Okay, so ayun na nga.. . .. ... .... ..... .... ... .. . ....ayun. #ALDubEBforLOVE

— Maine Mendoza (@mainedcm) September 26, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN