Aiza Seguerra thanks Eat Bulaga for guiding her through the years

Aiza Seguerra on how Eat Bulaga stays strong amidst network wars: "They do their work brilliantly at kahit may times na mas mataas ang rating na kabila, hindi sila nagpapatinag. For Eat Bulaga, it's not just about the ratings. Mas nagma-matter ay kung anong ibinibigay mo sa tao."


Sa kanyang Facebook post kahapon, September 27, binalikan ng dating child star na si Aiza Seguerra ang kanyang “accidental discovery” sa Eat Bulaga at ang mga mahalagang bagay na natutunan niya rito.

Para kay Aiza, ang mga aral na ito ang siyang nagsilbing gabay para sa kanyang showbiz career mula noon hanggang ngayon.

Unang binalikan ni Aiza ang simula ng kanyang karera noong sumali siya sa Little Miss Philippines segment ng Eat Bulaga noong 1987, kung saan siya nanalo bilang first runner-up.

Ayon kay Aiza, "Nagsimula ako sa Eat Bulaga noong tatlong taon pa lang ako.

"Sumali ako sa contest na Little Miss Philippines [hindi kasi ako matanggap sa That's My Boy, e].

"Hindi ako nanalo nun pero nagulat ako nang bigla nalang naisama sa programang Kumpletos Rekados 'tapos biglang nalipat na ako sa Eat Bulaga.

"Masasabi kong sa kanila ako lumaki. Nagkamuwang.

"Sa kanila ko nakuha ang istilo ko sa pagtatrabaho.

"Marami akong natutunan sa kanila. Para din silang naging mga magulang ko."

Kinuwento rin ni Aiza ang mga naituro sa kanya ni Malou Choa-Fagar, executive producer ng Eat Bulaga.

RESPECT FOR TIME. Kuwento pa niya, "Si Tita Malou, nung kasagsagan ng pagiging child star ko, kapag na late ako, papagalitan ako niyan.

"Nung bata ako, na feel bad ako, pero nung mas nagka-utak na ako, na-realize ko na importante pala yun kasi kung hinayaan lang nila ako. E, di wala na akong respeto ngayon sa oras at sa mga katrabaho ko.

"They taught me how to value my work hanggang sa naging craft ko na siya at para silang mga magulang na sobrang proud kapag nakakalipad ng mataas ang mga anak nila."


THANKFUL TO BIG BOSS. Ipinagpasalamat din ni Aiza na patuloy siyang ginabayan at tinulungan ni Tony Tuviera (producer ng Eat Bulaga) o mas kilala bilang “Mr. T,” kahit na noong naglamlam ang kanyang career.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Nung nabawasan na yung kakyutan ko no'n at hindi umubra ang love team namin ni Spencer [Reyes], medyo nawalan ako ng trabaho. Mas nag-concentrate ako sa iskwela.

"Pero nung mga panahon na iyon, kahit hindi na ako regular na pumapasok ng Bulaga, hindi ako pinabayaan ni Mr. T.

"Hindi niya hinayaang mamroblema ako kung saan ako kukuha ng panggastos para sa pamilya ko.

"Kasi nandiyan sila. Puwede kong sandalan.

"Kahit sa mga panahong wala akong maibigay sa kanila, hindi nila ako iniwan," pagpapasalamat niya.

INSTITUTION. Kasunod ng kanyang pagbabalik-tanaw, inilista rin ni Aiza ang mga dahilan kung bakit hindi matinag ang samahan ng buong cast at crew ng Eat Bulaga.

Aniya, "Institusyon na ang Eat Bulaga. Ang TAPE Office.

"Maraming nag-iisip kung bakit hanggang ngayon, matatag pa rin sila.

"Alam ko kung bakit. Kasi witness ako doon.

"Ang grupong ito ay nabuo dahil sa pagmamahal sa isa't isa, pagmamahal sa trabaho at katrabaho, pagmamahal sa mga audience na hindi kami iniwan mula noon hanggang ngayon.

"Maraming beses din sumalampak ang Eat Bulaga pero hindi sila natinag.

"Mas lalo nilang niyayakap ang isa't isa upang mapagdaanan ang mga ganitong bagay at lalong pinagbubuti ang kanilang ginagawa.

"They do their work brilliantly at kahit may times na mas mataas ang rating ng kabila, hindi sila nagpapatinag."


NOT JUST RATINGS. Hindi na rin daw inaalintana ng Eat Bulaga ang ratings. Ang importante sa kanila ay ang kalidad ng kanilang programa.

Pagmamalaki pa ni Aiza, "For Eat Bulaga, it's not just about the ratings.

"Mas nagma-matter ay kung anong ibinibigay mo sa tao.

"Malinis na kumpetisyon. Yung ang natutunan ko sa kanila.

"Ang kasikatan nawawala, but if the people know and see how sincere you are sa trabaho mo at sa pagnanais mo na mapasaya sila, makikita nila yun."


ACCIDENTAL DISCOVERY. Ang mga bagay na ito ang ipinagpapasalamat ni Aiza bilang isang "accidental discovery" ng Eat Bulaga gaya nina Ryzza Mae Dizon at ng tandem nina Alden Richards at Maine Mendoza na mas kilala bilang "AlDub."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi pa ni Aiza, "Kagaya ni Ryzza, ng AlDub, at marami pang iba, isa ako sa mga 'accidental discovery' ng Eat Bulaga.

"Aksidente man ang pagkaka-discover sa akin, but mukhang ito talaga ang path ko.

"I'm on my 28th year in this industry and I don't have plans of changing careers anytime soon.

"I love my craft, my work. I love the fact that I can act and sing and still take care of my family.

"Pero hindi ako tatagal sa industriyang ito kung hindi ako naturuan ng magandang asal ng mga magulang ko at mga taong nakapaligid sa akin.

"Masuwerte ako kasi lumaki ako sa mga taong nagturo sa akin ng pagmamahal sa trabaho at sa tao.

"Kung paano magbigay ng respeto sa kahit sino, karibal man o hindi.

"Na sa trabahong ito na sinasabing mahirap makahanap ng totoong mga kaibigan, nakahanap ako ng pamilya na totoong may pagmamahal, marunong magbigay ng importansiya at malasakit sa bawat isa, hindi lang kapag kailangan ka nila.

"Samahang totoo at punung-puno ng pagmamahal.

"Yan ang Eat Bulaga. Bow!"


NETWORK WAR. Matatatandaang sinabi ni Aiza na lalong umigting ang kumpitensiya sa pagitan ng noontime shows na Eat Bulaga (GMA 7) at It's Showtime (ABS-CBN) dahil sa AlDub phenomenon ng Kapuso network.

Read: Aiza Seguerra on leave of absence from ASAP due to network war: "I think with the AlDub issue, medyo fierce ngayon."

Kasama si Aiza sa GMA-7 daytime drama series na Princess in the Palace na pinagbibidahan nila Ryzza Mae Dizon at Eula Valdes.

Hindi na napapanood si Aiza sa ASAP, ang Sunday musical-variety show ng ABS-CBN matapos pagpasiyahan ng Kapamilya network na ipag-leave of absence ang dating child star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN