Maine Mendoza says Alden Richards has a big chance if he courts her for real

"Kilig siyempre pero kinabahan," ito ang sabi ni Maine Mendoza nang tanungin kung ano ang naramdaman niya sa unang 'pag-akyat ng ligaw' sa kanya ni Alden Richards sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.


Tiyak na magdiriwang ang buong AlDub Nation kapag nalaman nila ang sagot ni Maine Mendoza sa tanong kung may pag-asa si Alden Richards kung sakaling manligaw ang Pambansang Bae sa kanya.

"Mayroon po!" natatawang sagot ni Maine nang tanungin ng veteran entertainment columnist na si Ricky Lo kung may posibilidad na maging sila ni Alden sa tunay na buhay.

Eksklusibong nakausap ni Ricky si Maine pagkatapos ng unang pag-akyat ng ligaw ni Alden sa karakter niyang si Yaya Dub sa Kalyserye ng Eat Bulaga! noong Sabado, September 26.

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally have a selfie together; #ALDubEBforLOVE doubles previous record

Ginanap ang interview sa isang mansyon sa New Manila, Quezon City, na malapit sa Broadway Centrum studio ng Eat Bulaga.

Ang panayam ni Ricky ay para sa bagong weekly celebrity talk show ng GMA Network na CelebriTV.

Sa on-cam interview ni Ricky kay Maine ay sa pamamagitan ng fan signs sinagot ng noontime-show sweetheart ang mga tanong sa kanya.

Pero bago ito ay tinanong ng The Philippine STAR entertainment editor si Maine ng ilang mga katanungan off-cam.

And yes, nagsasalita si Maine.

Kung sakaling manligaw nga nang totohanan sa kanya si Alden, wala raw kundisyon nsi Maine.

"All he has to do is ask for my parents' permission," sabi ng 20-year-old Dubsmash Queen.

Tinanong din ni Ricky si Maine kung may boyfriend siya ngayon.

Sagot ng kalahati ng AlDub loveteam, "In high school."

Ano naman ang naramdaman niya sa "second date" nila ni Alden?

Tugon ni Maine, "Kilig siyempre pero kinabahan."

Maliban daw sa dimples at mga mata ni Alden, ang isa pang nagustuhan ni Maine sa Kapuso actor-TV host ay ang pagiging "super gentleman" nito.

BUSY SKED. Sa loob ng halos tatlong buwan mula nang una siyang lumabas sa Eat Bulaga! bilang Yaya Dub hanggang sa maging phenomenon ang tambalan nila ni Alden, ang AlDub, ay napakalaki ng nabago sa buhay ni Maine.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabila nito ay nananatiling mapagkumbaba si Maine at hindi napapagod makipag-selfie at bumati sa kanyang mga tagahanga.

Ayon kay Maine, "That's what my parents have been constantly reminding me, huwag lalaki ang ulo."

Mula rin nang sumikat ang tambalang AlDub ay naging sobrang hectic na ng schedule nina Maine at Alden.

Maliban sa araw-araw nilang paglabas sa Eat Bulaga! ay sunud-sunod din ang paggawa nila ng TV commercials.

Si Alden nga ay mayroon pang Sunday Pinasaya tuwing Linggo at may mga mall shows at personal appearances din sa hapon o sa gabi.

Si Maine naman ay limitado pa ang appearances at interviews, pero napaka-hectic na rin ng schedule niya.

May oras pa ba siya para matulog?

Sagot ni Maine kay Ricky, "I try to get as much sleep as I can."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN