Alden Richards refuses to reveal content of Maine Mendoza's letter: "She asked me, sana for my eyes only lang."

"Kabado, kabado... kinakabahan ako, e. Kinakabahan ako nung mga panahon na 'yon," pag-amin ni Alden Richards tungkol sa 'unang pag-akyat niya ng ligaw' kay Yaya Dub (Maine Mendoza) sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.


Ayon kay Alden Richards, mahigpit ang bilin ni Maine Mendoza na para lang sa kanya ang handwritten letter na ibinigay nito sa kanya noong Sabado, September 26.

Sa episode ng Eat Bulaga! ngayong hapon, September 28, ay inusisa ni Sam YG si Alden tungkol sa mga kaganapan sa unang pag-akyat ng ligaw ng Pambansang Bae kay Yaya Dub (Maine) noong Sabado.

Kabilang na rito ang personalized letter na iniabot ni Maine kay Alden bago matapos ang kanilang second date sa mansyon ni Lola Nidora (Wally Bayola).

Tunay na pangalan ni Alden, Richard Faulkerson Jr., ang ginamit ni Maine sa kanyang sulat para sa Kapuso actor-TV host.

Pero ayon kay Alden, "Sorry po, mga Dabarkads, personally kasi nung inabot sa akin ni Maine yung letter, she asked me, sana for my eyes only lang.

"So, pasensiya na po, ha, hindi ko talaga puwedeng i-share, sorry."

Pero sa pamamagitan ng kanyang Instagram account kahapon, September 27, ay pinasalamatan ni Alden si Maine.

Dahil din daw sa sulat na iyon ay mas nakilala ni Alden ang ka-loveteam.

Sabi pa ng Pambansang Bae, "You're a beautiful person inside and out, Meng."

Pero kanina sa "ATM With BAEs" segment ng Eat Bulaga! ay biniro ni Sam si Alden na binasa raw agad ng 23-year-old actor-TV host ang sulat ni Maine pagsakay niya ng kotse.

Tinukso rin ni Sam si Alden kung bakit pinagpawisan siya nang matindi noong Sabado kahit na de-aircon naman daw ang mansyon kung saan sila nagkita ni Maine.

Pag-amin ni Alden, "Kabado, kabado... kinakabahan ako, e. Kinakabahan ako nung mga panahon na 'yon."

Hindi naman nakasagot si Alden nang tanungin ni Sam kung bakit parang ayaw nilang magtinginan ni Maine nang magkita sila ulit.

Hindi rin nakaligtaang tanungin ni Sam si Alden kung ano ang naramdaman niya nang hinawakan ni Maine ang kanyang mga kamay nang kunwari'y nabulunan o nahirinan ang dalaga at painumin ito ng tubig mula sa hawak niyang baso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pagtatanggol naman ni Alden kay Maine, "Nabulunan, hoy! Huwag kang ano..."

Pero dagdag niya tungkol sa paghahawak nila ng kamay, "Happy, happy... tsaka ang lambot."

Read: Alden Richards and Maine Mendoza finally have a selfie together; #ALDubEBforLOVE doubles previous record


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN