Eat Bulaga! clobbers It's Showtime on Twitter and TV ratings last September 26

Tila no contest ang naging labanan ng Eat Bulaga! at It's Showtime noong Sabado, September 26, dahil napakalaki ng kalamangan ng Kapuso noontime show sa Twitter at TV ratings.


Pinatunayan ng AlDub at ng Eat Bulaga! na hindi lamang sila sa Twitter naghahari kundi maging sa TV ratings.

Marami ang nag-abang sa tapatan ng Eat Bulaga! ng GMA Network at It's Showtime ng ABS-CBN noong Sabado, September 26, dahil sa malaking pasabog ng dalawang noontime shows.

Ang Eat Bulaga! ay idineklarang National Pabebe Wave Day noong Sabado, na unang pag-akyat ng ligaw ni Alden Richards kay Yaya Dub (Maine Mendoza).

Sa kabilang banda, ipinagdiwang naman ng It's Showtime ang 6th anniversary kickoff nila na tinawag nilang "Kapamilya Day" at ginanap sa Araneta Coliseum.

Maliban sa mga host ng programa na sina Vice Ganda, Anne Curtis, Vhong Navarro, Billy Crawford, at Karylle, may production numbers din ang ilan sa pinakasikat na artista ng Kapamilya network.

Kabilang na rito ang apat sa pinakasikat na loveteams ngayon ng ABS-CBN: KathNiel nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla, JaDine nina James Reid at Nadine Lustre, LizQuen nina Liza Soberano at Enrique Gil, at KimXi nina Kim Chiu at Xian Lim.

Imbitado rin sina Julia Montes, Richard Yap, PBB Teens Big 4, at si Coco Martin na inawitan pa si Pastillas Girl na si Angelica Jane Yap.

TWITTER WAR. Sa Twitter, naging top trending topic worldwide noong Sabado ang hashtag ng Eat Bulaga! na #ALDubEBforLOVE, na nakakuha ng 25.6 million tweets.

Hindi lamang nito nilampasan kundi dinoble pa ang previous record na naitala ng #ALDUBMostAwaitedDate, 12.1 million, noong September 19.

Habang ang hashtag ng It's Showtime na #ShowtimeKapamilyaDay ay umabot lamang sa 6.3 million tweets.

Ito ay sa kabila na nagsimula ang paggamit ng nasabing hashtag noon pang Biyernes, September 25.

Read: #ALDubEBforLOVE breaks new Twitter record with 25.6M tweets

RATINGS WAR. Pagdating naman sa TV ratings, wala ring naging panama ang It's Showtime sa Eat Bulaga, base sa overnight ratings ng AGB Nielsen.

Ang Eat Bulaga! ay nakapagtala ng 45.7% rating sa Mega Manila households, habang 11.9% lamang ang nakuha ng It's Showtime.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa NUTAM ratings naman ng AGB, 37.2% ang nakuha ng Eat Bulaga! at 17.4% ang naitala ng It's Showtime.

Maging sa National ratings ng Kantar Media/TNS ay lumamang ang Eat Bulaga! (30.8%) kontra sa It's Showtime (22.5%).

May mga nagsasabing ang naging labanan noong Sabado sa pagitan ng Eat Bulaga! at It's Showtime ay isang patunay na AlDub lang ang katapat ng lahat ng pinakasikat na loveteams ng ABS-CBN.

Read: How did AlDub second date #ALDUBEBforLOVE and #ShowtimeKapamilyaDay fare in ratings game?


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN