Heart Evangelista explains why she let love go years back: “Lahat sila… lahat sila, dahil sa mga magulang ko.”

Heart Evangelista on why she fought for her husband, Senator Chiz Escudero: “Oo, kasi hinintay ko na rin na alam kong nasa tamang-tamang edad na ako. Alam kong kaya ko na talaga itong panindigan at hindi yung nadadala lang ako sa you and me against the world."


Tatlong beses sa isang linggo nagte-taping si Heart Evangelista para sa primetime series niya sa GMA Network na Beautiful Strangers.

Ginagampanan dito ni Heart ang papel na Kristine de Jesus, girlfriend ni Noel Ilagan (Rocco Nacino).

Nasa serye rin ang real-life girlfriend ni Rocco na si Lovi Poe, na gumaganap sa papel na Joyce Rodriguez, ang unang kasintahan ni Noel.

Sinabi ni Heart sa isang interview na gusto niyang magkatuluyan sa teleserye ang mga karakter nina Lovi at Rocco.

Paano na ang karakter ni Heart?

Sabi ng aktres, "Ganun talaga. Kailangan talagang magparaya and then God will give you also.

"Minsan, masakit to do the right thing, but at the end, God will reward you.”

Ginawa niya ba yun sa totoong buhay?

“Yeah, many times over!” natawang sabi ni Heart.

Sino ang pinakawalan niya?

“Lahat sila… lahat sila, dahil sa mga magulang ko.”

Ang napangasawang si Senator Chiz Escudero raw ang ipinaglaban talaga ni Heart sa kanyang mga magulang.

“Oo, kasi hinintay ko na rin na alam kong nasa tamang-tamang edad na ako.

"Alam kong kaya ko na talaga itong panindigan at hindi yung nadadala lang ako sa you and me against the world."

Mapapanindigan din kaya ni Heart ang iba niyang naging boyfriend kung dumating sila sa tamang panahon?

“For some, I’ll say maybe it is really the wrong time, di ba?” tugon niya.

Pareho nang masaya sa buhay may-asawa si Heart at ang dati niyang boyfriend na si Jericho Rosales.

Pero mapaninindigan kaya ni Heart ang aktor kung dumating ito sa buhay niya ngayon?

Sagot niya, “Alam niyo, matagal ko ring napag-aralan yung ganyan, pero siguro talagang hanggang doon lang yun.

“Kasi, whenever I look back, mas bagay kami ni Chiz, e. In many things.

"I don’t have to argue about how I feel or ipaglalaban ko na ito ang gusto ko, it’s given to me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sometimes with the others, I really have to argue my way to get things.”



THOSE WERE THE DAYS. Hindi kaya dahil bata pa si Heart noon?

Sabi ng 30-year-old actress, “Maybe rin, maybe… that’s why hindi ko rin masabi.

“That’s why I don’t think I can answer that question kasi, parang who I was then, that was three lifetimes ago.

“Hindi na nga rin ako maka-relate minsan kapag nakikita ko ang sarili ko dati. Ano ba ‘yan?

“But then, I appreciate naman myself for being open.

"Kasi I believe marami rin namang natutunan ang ibang tao by watching my life as it progresses.

“So, parang okey na rin siguro na naging living example ako.

“But when I look back, I have to admit, may mga bagay na parang, 'Bakit ko ba nagawa yun?'”



SUPPORTIVE HUSBAND. Natutuwa si Heart at supportive si Chiz sa trabaho niya, at hindi ito yung tipong nagbabawal sa kanya lalo na kung may kissing scene.

Maraming kissing scenes sina Heart at Rocco sa Beautiful Strangers, na napapanood ni Chiz.

Kuwento ni Heart, “Kapag nagkakataon na nakikita niya [Chiz], nahihiya ako. Pero gustung-gusto niyang makita.

"At saka nagsi-search siya sa YouTube. Mahilig siyang mag-throwback sa YouTube.

“Kaya sabi ko [kay Chiz], ‘Ano ang ginagawa mo?’

"Tapos, tawa siya nang tawa. At saka ini-screen shots niya.

"Ipapadala niya sa chat room, tapos tutuksuhin niya ako!"

Hindi kaya defense mechanism lang ito ng senador at itinatago lang nito ang pagselos niya?

Ani Heart, “Hindi, e, hindi talaga.

“Ganun talaga siya.”

Hindi ba naiilang ang senador tuwing makikita niya ang mga kaibigang sina Rocco at Lovi?

“Hindi naman. Si Lovi lang palagi ang tinatanong niya ng ‘O, kamusta?’ Parang si Lovi ang binibiro niya,” tugon ni Heart.

THE PAINTER. Samantala, ipinakita ni Heart sa kanyang Instagram account na busy siya sa pagpipinta kung wala siyang pinagkakaabalahan bilang Kapuso star.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakapag-exhibit na si Heart ng iba’t ibang paintings niya at patuloy pa rin siya sa paglikha ng mga obra niya.

Nabili rin ang rights ng ilang painting niya at ginawang cover ng mga notebook.

Ang pinakabagong gawain ni Heart ay ang pagpe-paint ng mga mamahaling bags.

“Yung mga bags, hindi sa akin yun, pinapapa-paint lang nila,” sabi ng aktres.

Nang binanggit ni Heart kung magkano ang sinisingil niya kada painting ng bag, masasabing kumikita talaga ang aktres sa napili niyang hobby.

“Actually, mahirap din siya,” nakangiti niyang sabi.

Ilang araw ang inaabot ni Heart sa paggawa ng isang canvas painting?

“Depende, could be three, can be one day.

"Depende kasi kung magkakabasay-sabay siya, nahihirapan na ako. You have to wait.

“Kaya ngayon, parang may wait list siya.

"I do two paintings at a time. Kasi ayokong mag-accept kung hindi ko magagawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN