Robi Domingo too busy for a birthday celebration: “Tuloy-tuloy kasi ang trabaho ko, e. Pero I’m hoping to celebrate.”

Robi Domingo on his birthday wish: "Sigur gift of strength and wit po. Para dun sa susunod na show ko po na sobrang natutuwa ako.”


Sa dami ng trabaho, hindi nakapagplano si Robi Domingo ng party o celebration para sa kanyang 26thbirthday last Sunday, September 27.

Sabi ni Robi nang makakuwentuhan siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa telepono noong September 29, “Sa ilang araw nang dumaan, hindi pa rin ako nakakapag-celebrate ng birthday ko.

“Tuluy-tuloy kasi ang trabaho ko, e. Pero I’m hoping to celebrate.

“May celebration naman po with my family last Sunday. Nag-dinner kami pagkagaling ko ng ASAP.”



PRODUCTION NUMBER. Pinag-usapan ang production number na ginawa ni Robi bilang bahagi ng kanyang birthday celebration sa ASAP, dahil sexy raw ang dating niya habang sumasayaw.

Saad niya, “Isang araw lang po akong nag-rehearse para dun, e.

"Pero sobrang nagpapasalamat po ako sa G-Force kasi talagang tinutukan nila ako na mabuti.

“In-assist po nila ako kahit isang araw lang ang ibinigay sa akin para mag-rehearse."

Biro pa ni Robi, “Dun sa production number na iyon, nagpa-braso po ako, e, para sa hapunan!

“Iyon po yung ano… talagang pinu-pump ko po nang sobra-sobra, e. Kumbaga, magang-maga siya!”

Ang tinutukoy ni Robi ay ang muscles niya sa mga braso at bisig.

Dugtong niya, “Magtatanggal nga sana po ako ng T-shirt, kaso lang hindi po ako prepared.

“Galing po kasi kami ng Europe, e.

“Tapos meron pa po nga akong ibang mga trabaho, kaya hindi ko napaghandaan.”

Kasama si Robi sa ABS-CBN stars na nagpunta sa London, England, para sa show ng ASAP doon.

NEXT BIRTHDAY. Pero gusto pa rin daw ni Robi na magkaroon ng celebration para sa katatapos na birthday.

“Sa totoo po, itong 26thbirthday ko, hindi ko pa po siya naiisip nang sobra-sobra.

"Kasi focused po ako sa trabaho ngayon.

“Kung magkakaroon man ako ng late birthday celebration, yung mini lang muna.

"Ang totoong celebration po siguro magaganap next year na lang.

"Kasi pinaghahandaan ko po yung 27 na 27," sabi niya bilang pagtukoy sa kanyang 27thbirthday sa September 27, 2016.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi nakapunta sa family dinner nina Robi ang girlfriend na si Gretchen Ho dahil may event daw ito na kailangang i-cover.

“Pero kahapon po [Monday, September 28], parang may mabilis na dinner lang. And that was it.

“Kasi may mga trabaho pa rin po, e. Siya, busy rin sa work niya,” sabi ni Robi.

Ano ang birthday gift ni Gretchen sa kanya?

“Nagbigay po siya ng sapatos na gustung-gusto ko matagal na.

"Ano po siya… casual shoes, kahapon lang po niya ibinigay," sagot ni Robi.

NEW SHOW. May masasabi pa ba siyang birthday wish?

Ayon sa Kapamilya TV host, “Siguro gift of strength and wit po. Para dun sa susunod na show ko po na sobrang natutuwa ako.”

Ano ba ang bagong programa na tinutukoy niya?

“Ano po siya… isang reality show again. Pero hindi pa siya puwedeng sabihin sa ngayon,” tugon niya.

Maghu-host din ba siya for the new show gaya ng ginagawa niya sa katatapos na The Voice Kids at sa ongoing na PBB 737 Update?

“Prang hindi lang host... paano ko ba idi-describe?

“Ibang concept na show po siya kasi, e.

"Basta abangan niyo na lang po dahil sobrang ganda talaga ng konsepto.

“Tapos, may mga makakasama po ako na talagang close na close sa akin, pero hindi ko pa rin po puwedeng i-reveal, e.

“May babae. May mga lalaki rin po.

"Hanggang dun lang po ang puwede ko munang masabi."

Ano ang changes sa sarili at sa buhay ang inaasahan na mangyari ni Robi?

“Siguro ngayon, mas gutom ako talaga. Mas gutom to work, super!” bulalas niya.

May bagong plans ba siya?

Ayon kay Robi, “Siguro travel more kasabay nung doing documentaries na rin na gagawin sa ibang bansa.

"I wish to do a documentary program din kasi."

Gusto ba ni Robi na kasama si Gretchen sa mga ginagawa niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Puwede rin. Puwede ring yung mga OFWs natin,” sagot niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN