Kris Lawrence sees positive in not having Sunday show: “Puwede na akong rumaket ng Sabado!

Kris Lawrence is in a swirl of out-of-town shows and television guestings: "I have my weekends now at natutuwa ako na marami akong mga invitations. Meron din akong mga naka-schedule na shows out of the country, meron sa Japan. Meron din kami ni Jay R na tour sa States, kami rin ni Jaya, marami pong naka-line up."


Naggi-guest na si Kris Lawrence sa ilang ABS-CBN shows gaya ng Gandang Gabi Vice, Showtime, and then recently, sa ASAP.

Senyales ba ito na magiging Kapamilya na rin si Kris gaya ni Jay R?

“Sana po. Right now, wala pa namang offer na gano’n kundi puro guestings pa lang,” tugon ni Kris.

Ano ang nararamdaman ni Kris kapag nanonood siya ng Sunday PinaSaya, ang kapalit ng dati niyang show na Sunday All Stars?

“Uhm, okey lang!” tawa na naman ni Kris. “Okey lang po.

“Kung saan sila happy. Mukha namang nagri-rate sila,” dugtong ni Kris.

Napabalitang natatalo na raw ng Sunday PinaSaya ang ASAP ng ABS-CBN.

“I’m happy for them,” patungkol niya sa mga kasama sa Sunday PinaSaya.



MORE GIGS. Ano ang ipinagbago ng Sundays ni Kris nang mawala ang Sunday All Stars, kung saan matagal siya naging regular performer tuwing Linggo?

Tugon ng singer, “Well, una, nakakalabas na ako ng Sabado ng gabi!

“Kasi ilang years na hindi ako puwedeng lumabas, so that’s also good, I have my weekends now.

“And, ayon, keeping them open for work.

“Puwede na akong rumaket ng Sabado, sa mga out-of-town shows kasi dati, mahirap.

“Kung rumaket ka ng Sabado ng gabi ‘tapos sa umaga ay hahabol ka ng flight para sa Sunday show.

“So ngayon, puwedeng-puwede na, at natutuwa ako na marami akong mga invitations for out-of-town shows.

“Meron din akong mga naka-schedule na shows out of the country, meron sa Japan.

“Meron din kami ni Jay R na tour sa States, kami rin ni Jaya, marami pong naka-line up."

SONG FOR KATRINA. May kalalabas na bagong album si Kris na revival ng 1990s RnB, ang Most Requested Playlist under Universal Records.

Magaganda raw ang mga songs dito tulad ng “I’ll Make Love To You,” “On Bended Knee,” “I Swear,” “I Need You,” at “Incomplete.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Alin sa mga songs na ito ang puwede niyang i-dedicate kay Katrina Halili since good friends naman sila ngayon matapos silang maghiwalay.

Napahalakhak si Kris at sandaling nag-iisip ng isasagot.

“Uhm, 'On Bended Knee,' ano pa? 'Unbreak My Heart' or 'Incomplete.'”

Incomplete pa rin ang feeling ni Kris until now?

“Basta yun na yun!” natatatawa niyang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN