Megan Young gains confidence as host: "May tendency po tayo na magkamali... now I am really enjoying it."

Megan Young thanks Dingdong Dantes for his vote of confidence early on as co-host of StarStruck 6. “Huwag daw po akong mag-isip ng kung anu-ano pa, just focus on my job and enjoy. Tama naman po siya because it really helped me a lot,” says Megan.


Nadiskubre na ni Miss World 2013 Megan Young ang kanyang strength bilang isang host.

Malaking tulong daw ang pagkuha sa kanya bilang host ng reality-based artista search ng Kapuso network na StarStruck 6.

Kung noon daw ay parang takot siyang tumanggap ng hosting stints dahil kulang pa siya sa experience, ngayon ay hasang-hasa na siya at ini-enjoy na niya ang bawat minuto ng pagiging isang host.

Sabi ni Megan, “I never really saw myself doing this, kilala niyo naman po ako, masyado akong mahiyain noon.

“This would be the last thing na gagawin ko talaga, kumbaga, paartehin mo na lang ako, huwag lang mag-host.

“Kasi may tendency po tayo na magkamali, paano mo pa mababawi iyon, di ba?

“Now I am really enjoying it and I get great tips from other hosts, lalo na para dito sa StarStruck.

“Advice sa akin ni Mr. Dingdong Dantes parati is just enjoy the moment.

“Huwag daw po akong mag-isip ng kung anu-ano pa, just focus on my job and enjoy.

“Tama naman po siya because it really helped me a lot.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Megan sa GMA Annex Building noong September 25.

MISS WORLD. Ang pagiging mahusay na host ni Megan ay nagbukas ng pintuan para sa mas malaking hosting job—ang magaganap na Miss World Philippines beauty pageant on October 18.

Excited na nga si Megan na mag-host ng beauty pageant na kanyang sinalihan hanggang masungkit niya ang kauna-unahang Miss World crown ng Pilipinas noong 2013

Saad niya, “I am so proud to be working again with Miss World Philippines.

“I have always believed in what they stand for, which is beauty with a purpose.

“I’m happy na magiging bahagi po ako sa paghanap ng next Pinay beauty who will not just win the title Miss World Philippines, but will also help make a difference in our world today.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kailan lang ay nagkapirmahan na sina Miss World Philippines national director Cory Quirino, GMA VP for program management Jose Mari Abacan, and GMA senior program manager Mitzi Garcia para sa kanilang partnership.

Miss World Philippines will be aired live on SNBO on October 18.

MARIMAR. Bukod sa hosting, masayang-masaya rin si Megan dahil sa magandang pagtanggap ng kanyang pinagbibidahang primetime teleserye na MariMar.

Nagpapasalamat ang beauty queen-actress sa patuloy na pagsuporta ng kanilang fans, lalo na via social media dahil trending daily ang Marimar.

Pero ayon kay Megan, hindi dapat sila maging kampante kahit na maganda ang ratings ng kanilang show.

“Every day, every week… talagang inaabangan po ng viewers yung mga mangyayari sa show, sa mga characters namin.

“Maganda na nape-pressure pa rin kami because it keeps us on our toes, it makes us work harder.

“Ako po, personally, I don’t like being complacent... It’s a good challenge for me and for the whole team.

“We are always working hard to make every episode kaabang-abang,” sabi niya.

Dahil din sa Marimar ay nagkaroon ng magandang working relationship si Megan sa kanyang nakababatang kapatid na si Lauren Young.

Saad niya, “It’s really a blessing to work with my sister.

“Mas nakilala ko na siya as an actress at hindi lang bilang kapatid ko.

“Kami naman ni Lauren, we really have a good rapport.

“It’s easier for us na magsabunutan at magtarayan kasi walang hard feelings pagdating sa amin.

“Because of MariMar, mas nakilala ko pa po si Lauren and how she works.

“Yes, we grew up together, but there are things pa din na hindi ko alam kay Lauren.

“Dahil parati kaming magkasama sa Marimar, mas naging stronger ang bond namin as sisters.

“And there is this respect between us bilang mga actors naman.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN