Alex Gonzaga jokes about sister Toni being clingy after her wedding: “Hindi napunan ni Direk Paul ang pagkawala ko!”

Alex Gonzaga is the first Filipina face of a global facial care brand along with international artists Justin Bieber, Katy Perry, and Adam Levine.


Tila mas lalo pang naging close ang magkapatid na sina Alex at Toni Gonzaga pagkatapos ikasal ng huli sa director-producer na si Paul Soriano.

Matatandaang naging emosyunal pa nga ang magkapatid noong ikinasal si Toni kay Paul noong June 12 ngayong taon.

Biro ni Alex sa relasyon nila ngayon ni Toni: “Parang patay na patay sa akin yung isang yun!”

Kuwento pa ng actress-TV host, napapadalas ang pag-imbita sa kanya ng ate niya sa bahay nila para ipagluto at makakuwentuhan siya.

Madalas daw siyang i-text ng kanyang ate ng: "O, kain tayo, dinner tayo, punta ka dito."

Sabi pa ni Alex, “Minsan pupunta ako sa bahay niya nang wala siya.

“Sasabihin niya, ‘Andiyan ka pala sa bahay. O sige, pagluluto kita, antayin mo ako, uuwi na ako.'

“Masyado namang ano ‘to sa akin!”

Biro na naman ni Alex: “Ibig sabihin, hindi napunan ni Direk Paul ang pagkawala ko!”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Alex sa launching niya bilang Pinay ambassador ng international facial care brand na Proactiv noong Martes, September 29.



THIRD WHEEL. Naibahagi rin ni Alex na sa New Year 2016 ay kasama siya sa first trip nina Toni at Paul as married couple sa New York.

“Ito na nga, talagang my sister can’t get over me, isinama niya ako sa flight nila.

“Magkasama kami ng ate, sabi niya, ‘O sige, gusto mo sumama sa amin pati San Frnacisco na din.’

“Sabi ni Direk Paul, ‘Pero different room.’"

Ready na ba si Alex na maging auntie?

Sagot ni Alex, “Oo, ready na ako, tita of Manila.

“Ready naman ako, pero ang tanong, sila ba, ready sila?

“Mag-aampon na lang ako kung sinu-sino na lang?

“Siyempre depende pa rin naman yun sa may bahay-bata, ‘no.”

Muling bumanat si Alex nang pabiro, “Ready na ako maging ina!”

Pero paniniguro niya, “Oo naman, feeling ko ready na yun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko lang alam kung ready yung schedule niya, yung mga trabaho niya, and si Direk Paul din... ‘Ay, Kuya Paul!’"

PINAY AMBASSADOR. Ipinakilala si Alex bilang first Filipina ambassador ng Proactiv, kung saan kahanay niya ang international stars na sina Katy Perry, Adam Levine, Jessica Simpson, Justin Bieber, at Alicia Keys.

Ibinahagi ng Kapamilya TV host-actress ang labis niyang kasiyahan sa kanyang bagong endorsement, lalo’t kahilera niya ang ilang Hollywood stars.

Pabirong sabi ni Alex, “Siyempre ka-text ko na rin sila, ‘Oy, magkakasama na tayo, isang pamilya na tayo ngayon.

“‘Kapamilya na tayo ngayon sa Proactiv, ano ba kayo, Katy [Perry].’”

Possible kaya na magkasama nga sila face to face?

Aniya, “Hindi ko alam, sana, pero depende sa schedule ko… ‘Ha, ang kapal ng mukha!’”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN