Joey de Leon: “Sa mga ayaw sa Kalyeserye at mga nakapaloob dito eh di WAG n’yong panoorin!”

Sa pamamagitan ng kanyang Twitter account, sinagot ni Joey de Leon ang ilang isyung kinasasangkutan ng Kalyeserye ng Eat Bulaga, kagaya ng pagiging “mababaw” umano nito at sa mga bumabatikos sa kanilang programa.


Sinagot ni Joey de Leon ang ilang isyung ibinabato sa Kalyeserye ng Eat Bulaga!, na bagamat sikat na sikat ay nagiging tampulan din ng batikos.

Kamakailan, naging mainit na usapin ang tweet ng Broadway star na si Lea Salonga tungkol sa “kababawan.”

Bagamat wala siyang direktang tinukoy, marami sa netizens ang nag-isip na ang AlDub loveteam nina Alden Richards at Yaya Dub a.k.a. Maine Mendoza at ang Kalyserye ang pinatutungkulan ni Lea.

Nauna na itong sinagot ni Joey sa pamamagitan ng Twitter noong September 27.

Read: Joey de Leon reacts to Lea Salonga's "kababawan" Twitter post

May makahulugan pang mga tweet si Joey ng sumunod na araw, September 28, tungkol sa “kababawan.”

Sa mga nasabing tweet, sinabi si Joey na ang pagiging “mababaw” ng Kalyeserye ang dahilan kung bakit sila sinusubaybayan at kinagigiliwan ng maraming manonood.

BABAW for me pertains 2 simple pleasures; a degree of contentment. We easily click because we're simple & pleasurable. #ALDUBTheVoiceWithin

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 28, 2015

Nag-react din si Joey tungkol sa lumabas na balitang may post sa official Facebook page ni Vice Ganda na sinabing “organic and real” ang naitalang 6.33 million tweets ng hashtag na #ShowtimeKapamilyaDay ng It’s Showtime episode noong September 26.

Sa kabilang banda, ang #AlDubEBforLOVE ng Eat Bulaga! noong araw ring iyon ay nakapagtala naman ng 25.6 million tweets.

Read: Vice Ganda claims 6.33M tweets for #ShowtimeKapamilyaDay are “REAL and ORGANIC”

Tweet ni Joey tungkol dito:

Isang malaking EXCUSE ME lang, HINDI real and organic ang isang bagay na KINOPYA lang. Iba yung developing naturally. #ALDUBThisMustBeLove

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 28, 2015

May mga tweet din si Joey tungkol sa "respeto" noong September 29.

Pahayag ng veteran comedian-TV host, matutong rumespeto para makakuha ng respeto.

RESPECT IS AN EFFECT. Speak well of others and you'll get respect. As simple as that. Good morning. #ALDUBTheConfession

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 29, 2015

"To be respected, be respecting." Wag mong sabihing gawa ko'y gawa ng insekto at ngangatngatin ko respeto ko sa iyo! #ALDUBTheConfession

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 29, 2015

Hindi tinukoy ni Joey kung tungkol saan ang nasabing tweet.

May simpleng payo rin si Joey sa mga ayaw ang mga nakikita at napapanood sa Kalyeserye.

Sa mga ayaw sa Kalyeserye at mga nakapaloob dito eh di WAG nyong panoorin! That simple! Kanya-kanyang kasaysayan yan! #ALDUBTheConfession

— Joey de Leon (@AngPoetNyo) September 29, 2015


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN