Glaiza de Castro wants Alden Richards to star in her music video

Glaiza de Castro on possibility of Benjamin Alves courting her: “Basta walang magagalit! Basta magaan sa lahat. Kahit na sa parents ko, kilala naman nila si Ben. Pero when it comes to relationship, ayoko nang maulit ang mga mistakes ko before.”


Bilang isang Kapuso, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Glaiza de Castro kung fan din ba siya ng AlDub, ang loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza (a.k.a. Yaya Dub) na napapanood sa Kalyeserye ng Eat Bulaga.

Sabi niya, “Hindi nga ako nakakapanood, pero nakikita ko sa Twitter.

“Sobrang grabe, sobrang nakaka-overwhelm din.

“Kung ako rin kasi si Maine or si Alden, hindi rin kasi nila plinano ‘to.

“Ito yung mga bagay na sa tingin ko, nangyayari sa kanila ngayon, blessing yun sa kanila.

“Nilaan talaga yun para sa kanila, kumbaga, natural, e.”

MUSIC VIDEO FOR ALDEN. Nagkakasama naman daw sila ni Alden noon sa Sunday All Stars, pero sa teleserye ay hindi pa.

Pagpuri pa ni Glaiza sa Pambansang Bae, “Deserving siya at napakabait, isa siya sa endearing na artistang kakilala ko.

“Every time ‘yan na babati sa akin, minsan luluhod pa ‘yan, ‘Madam, Madam, kumusta po?’

“Ganun siya lagi, hindi mo siya makikitaan ng attitude o yabang factor.

“Naalala ko dati, binigyan ko siya ng album, sabi niya, ‘Madam, kapag kailangan mo ng artista sa music video mo, ha.’

“‘O, ‘eto Alden, makinig ka, panawagan ko sa ‘yo, bilang sobrang sikat mo na ngayon.’

“Sabi niya sa akin noong nag-Sunday All Stars kami, ‘Madam, kapag may music video ka at kailangan mo ako, sabihan mo ako. Kasi gusto ko talaga mga ganyan, mga dark.’

“Eto na, may naisip akong konsepto, tinawagan ko ang handler ko...

“'Kung kukunin ko kaya si Alden sa music video ko, papayag kaya siya? Sino ba kakausapin diyan? A, si Darryl [Zamora].’

“Talagang may naisip akong konsepto sa kanya, acting piece kasi sobrang sweet, endearing, charming siya.

“Parang gusto kong baliin yun, talagang depressed, ganun ang feeling.

“Although hindi ko pa nasusulat, pero yun, gusto ko siyang kunin, siya lang ang artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero ako, hindi ako a-appear sa music video, kasi gusto ko siyang maging short film.”

Kaya natatawang tila panawagan ni Glaiza, “Alden Richards, hinahamon kita ngayon, game ka pa ba?”

GOING SOLO. Samantala, wala raw special someone ngayon si Glaiza.

“Special everybody,” nakangiting sabi ng aktres.

Sila ni Benjamin Alves, ano talaga ang totoo? Nanliligaw ba ito sa kanya?

“Hindi,” tanggi ni Glaiza.

Nararamdaman ba niyang may higit sa pagkakaibigan ang ipinapakita sa kanya ni Benjamin?

“Wala naman,” ngiti niya ulit.

Nabanggit kasi ni Benjamin na “closer” sila ngayon at hindi bilang friends lang. Ano ang ibig sabihin nun?

“Wala, wala siguro. Yun na siguro ang label, close.”

Nabanggit ni Benjamin na kahit isang beses sa isang linggo ay nagkakaroon sila ng pagkakataong magkita ni Glaiza.

Reaksiyon dito ni Glaiza, “Naku, may make-believe rin siya!

“Wala po talaga akong time na mag-date.”

Kung ganun, ano ang nararamdaman niya sa Kapuso actor?

“Sa totoo lang, naa-appreciate ko siya, simula pa lang nang ibigay niya ang contribution sa title ng album ko.”

Ang tinutukoy ni Glaiza ay ang Synthesis na title ng kanyang album.

Kung totohanin na siyang ligawan ni Benjamin, okey sa kanya?

“Basta walang magagalit!” natatawang sagot niya.

“Basta magaan sa lahat.

“Kahit na sa parents ko, kilala naman nila si Ben.

“Pero when it comes to relationship, ayoko nang maulit ang mga mistakes ko before.”



HIATUS. Naitanong ng PEP kay Glaiza kung nalungkot din ba siya nang magpaalam sa ere ng Sunday All Stars, bilang isa ito sa nagiging venue niya para makapag-perform.

Sagot niya, “Of course, malaking pasasalamat ko dun kasi nahasa ako dun.

"Parang naging training ground ko yun sa pagpe-perform.

“Noong binibigyan ako ng mga kanta na parang hindi masyadong bagay sa akin, napu-push ako para aralin yun.”

Sa ngayon, wala pang masabi si Glaiza na bago niyang teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tanggap daw niyang posibleng matagal masundan ang The Rich Man's Daughter.

Kung may gusto man daw siyang gawing karakter, gusto niyang mag-action.

“Gusto kong mag-action, totoo… gusto ko, kasi walang gumagawa.

“At saka gusto ko yung konsepto na lumalaban physically, parang hero ang dating.

“In a way, nakakapagod din minsan yung baliw-baliwan, more on emotional challenge.

“Dito, more on physical challenge dahil napapanood ko yung mga actions, mahilig din kasi ako.”

Isa pa raw sa pangarap ni Glaiza na magawa ay makapag-prodyus naman ng pelikula.

“Gusto kong makapag-produce ng magagandang pelikula.

“Yung talagang kahit na tumanda na ako, yun na lang ang maiiwan ko.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN