Solenn Heussaff mum about her wedding plans: “It’s a personal thing and it is something you want to be magical."

Solenn Heussaff says fiancé Nico Bolzico does not mind of her teamup with ex-boyfriend Derek Ramsay. “I’ve done so many movies with different guys. It shouldn’t be any different.”


Umiwas si Solenn Heussaff nang matanong tungkol sa updates ng ginagawa niyang preparation sa pagpapakasal nila ng kanyang Argentine fiancé na si Nico Bolzico.

Nauna nang sinabi ng Kapuso French-Filipino actress na sa 2017 o 2018 nila target magpakasal ng kanyang boyfriend, para mas mahaba raw ang oras for the preparations.

“I’m still keeping everything a secret,” sabi ni Solenn nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang miyembro ng media sa press conference ng kanyang pinagbibidahang pelikula, ang Flotsam, na ginanap sa 12 Monkeys Music Hall & Pub, sa Kalayaan Avenue, Makati City.

Mas gusto raw talaga ni Solenn na hindi masyadong pinag-uusapan ang kanyang lovelife, kagaya ng engagement nila ni Nico na nalaman lamang dahil sa Instagram post ng isang close friend.

Paliwanag ng Kapuso star, “Because it’s a personal thing and it is something you want to be magical.

“The more the people talk about it, the more it gets magulo, parang ayoko na.

"So I wanna keep it private.

“Lalabas naman when it happens. I’ll share.”

FLOTSAM. Sa pelikulang Flotsam, na magbubukas sa November 4, makakatambal ni Solenn si Roco Nacino.

Paglalarawan ni Solenn, “I just wanted something happy and light na may love story.

"May konting drama, but it’s not like you go out of the theaters [emotional].

"Masaya at maraming iba-ibang sides. For sure lahat ng tao makaka-relate."

Bukod dito, gumagawa ngayon ng isa pang pelikula si Solenn kasama naman ang ex-boyfriend na si Derek Ramsay, ang Love is Blind.

Tanong ng PEP, okay lang ba sa fiancé niyang si Nico ang makapareha si Derek?

Sagot niya, “Nikko’s fine.

"Siyempre naman, I spoke to him before [accepting the project] to be sure.

“But I’ve done so many movies with different guys. It shouldn’t be any different.

"He’s very supportive naman."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN