Alden Richards and Maine Mendoza sing a duet for the first time

Bilang selebrasyon ng 11th weeksary ng AlDub, nag-duet nang live sina Alden Richards at Maine Mendoza sa unang pagkakataon. Kinanta nila ang hit song ni Alden na "Wish I May" at ang "God Gave Me You" ni Bryan White.


Sa kauna-unahang pagkakataon ay nag-duet nang live sina Alden Richards at Maine Mendoza.

Ito ay bahagi ng sorpresa ni Maine o Yaya Dub kay Alden para sa kanilang 11th weeksary ngayong araw, October 1.

Nagsimula ang tambalang AlDub nina Alden at Maine noong July 16, 2015.

Sa episode ng Kalyeserye ng Eat Bulaga! kanina ay ibinigay na ni Maine ang ipinangako niyang sorpresa para kay Alden.

Una ay ang isang kahon ng cupcakes na si Maine daw mismo ang nag-bake.

(Photo: Courtesy of Eat Bulaga! Facebook account)

At ang pangalawa ay kinanta ni Maine ang ilang bahagi ng hit song ni Alden na "Wish I May."

Habang kumakanta si Maine, na ilang bahagi ay naka-Dubsmash pero boses pa rin niya, ay sinabayan naman siya ni Alden.

At dito na nga nangyari ang una nilang duet pagkatapos ng halos tatlong buwan ng pagda-Dubsmash.

Best. Weeksary. To date. #ALDUB11thWeeksary -dc pic.twitter.com/smHrli8SgA

— ALDUB/MAIDEN (@AldubFans) October 1, 2015

Hindi pa rito natapos ang pagdu-duet nila dahil nang patugtugin ang signature song nilang "God Gave Me You," na kinanta ni Bryan White, ay sinabayan ulit ito ni Maine at sumunod naman si Alden.

FROM (@AldubOTP) Meng singing GGMY!! Alden:obviously happy me:dies.. @aldenrichards02 @mainedcm #ALDUB11thWeeksary pic.twitter.com/Tmy5s5bdbj

— ALDUB LOVE MAIDEN (@IAldub) October 1, 2015

You're welcome daw, Den! #ALDUB11thWeeksary -dc pic.twitter.com/nXvS434hdj

— ALDUB/MAIDEN (@AldubFans) October 1, 2015

Sa kabilang banda, si Alden ay nagbigay ng bouquet of flowers at handwritten letter para kay Maine na nai-deliver naman kaagad.

Pero mahigpit na bilin ni Alden na para lamang daw sa mga mata ni Maine ang kanyang sulat.

(Photo: Courtesy of Eat Bulaga! Facebook account)

YAYA DUB TO VISIT ALDEN. Samantala, may dahilan na naman para abangan ng AlDub Nation at ng mga tagasubaybay ng Kalyeserye ang episode ng Eat Bulaga! sa Sabado, October 3.

Hindi man matutuloy ang panonood ng sine at pagkain sa labas nina Alden at Yaya, may maganda namang sorpresa si Lola Nidora (Wally Bayola).

Nag-request kasi si Lola Nidora kina Sen. Tito Sotto, Joey de Leon, at Allan K kung puwedeng sila naman ang bumisita sa Broadway.

Ito ay para makilala raw nila ang Dabarkads ni Alden at makilala rin naman na mga ito si Yaya Dub.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Isasama raw nina Lola Nidora at Yaya Dub sina Tinidora (Jose Manalo) at Tidora (Paolo Ballesteros).

Kaya sabi ni Alden kay Maine: "Hihintayin kita dito sa Sabado, Meng!"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN